Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

- Proud ang mister na natagpuan ang kanyang "forever" sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

- Kwento ng "Bawal Judgmental" guest na si Edwin, hindi raw siya nagustuhan ng totoong may-ari ng numero sa pera

- Ipinasa lamang siya nito sa kaibigan at iyon na nga ang kanya ngayong misis na si Jenny

- Sa kabila rin ng pagiging 'midget' ng kanyang asawa, minahal pa rin niya ito at masaya silang nagsasama kasama ang kanilang tatlong mga anak sa loob ng 11 taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng mga netizens ang love story ng "Bawal Judgmental" guest na sina Edwin at Jenny.

Nalaman ng KAMI na nagkakilala umano ang dalawa dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20.

Kwento ni Edwin, hindi raw sila nagkamabutihan ng may-ari ng cellphone number na nakasulat sa pera. Sa halip, ni-reto ng babae ang kaibigan niyang si Jenny kay Edwin at sila na nga ang nagkamabutihan.

Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong
Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

Photo from Eat Bulaga/ Bawal Judgmental
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Tanggap din ni Edwin si Jenny kahit pa ito ay isang midget. Ayon pa kay Jenny, naging tapat siya kay Edwin at inamin ang kanyang anyo.

Hindi naman daw ito naging problema sa lalaki at agad na natanggap ang kanyang kalagayan.

Ngayon, 11 taon na silang kasal at masayang nagsasama dahil na rin sa nabiyayaan sila ng tatlong mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nagpaluha naman sa marami ang kwento ng pag-ibig nina Danny at Lorna Cortezano na naibahagi rin sa "Bawal Judgmental."

BF, masayang napagtapos ng kolehiyo ang pinakamamahal na nobya

Matatandaan sina Danny at Lorna ay minsan nang nag-viral dahil sa 34 taon ang tanda ng babae sa lalaki.

Subalit bago matapos ang taong 2020, binawian na rin ng buhay si Lorna na labis na ikinalungkot ng kanyang mister.

Samantala, isang kwento ng pagtanggap ang naibahagi rin sa Bawal Judgmental. Naghatid ng inspirasyon ang kwento ng isang transwoman na anak sa sobrang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga nagulang, pinag-debut pa siya ng mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel