Netizen, muntik nang mabiktima ng umano'y modus ng pekeng delivery service

Netizen, muntik nang mabiktima ng umano'y modus ng pekeng delivery service

- Nagbigay babala ang isang netizen matapos na muntik na mabiktima ng isa umanong pekeng delivery service

- Nakapagtataka raw na tama ang impormasyon ng taong bibigyang ng delivery subalit dalawang taon na itong nasa ibang bansa

- Kinontak na rin nila ang kapatid na siyang naka-pangalan sa delivery ngunit sinabi nitong wala siyang order na parating

- Ang masaklap, nang subukan nilang gamitin ang tracking number, invalid ito kaya tumaas ang kumpiyansa nilang isa nga umano itong scam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muntik nang mabiktima ng bagong modus sa nagpapanggap na delivery service ang netizen na si Anne May Teves.

Kwento ni Anne May, sinabi ng kanyang kuya na mayroon daw delivery pa ra sa kanilang kapatid at cash on delivery pa umano ito.

Nalaman ng KAMI na doon pa lang, nagtaka na ang magkapatid dahil ang ate nila na naka-pangalan sa package at dalawang taon nang nag-migrate sa ibang bansa.

Read also

Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

Netizen, muntik nang mabiktima ng bago umanong modus ng pekeng delivery service
Photo from Anne May Teves
Source: Facebook

"Ay kuya, wala na po dito kapatid namin. And wala din po siya sinabi samin na may delivery siya. Pasensya na po, di po namin irereceive yan (very firm ako kasi alam kong scam)," ang umano'y isinagot ni Anne May sa nag-deliver.

Doon pa lang duda na silang isa umano itong modus lalo na nang ma-kontak nila ang kapatid at sinabing wala siyang na-order na ipade-deliver pa sa Pilipinas.

Ang masaklap, ang lalaking nag-deliver pa umano ang nagbantang baka mawalan siya ng trabaho dahil sa pagtanggi ng magkapatid na bayaran at tanggapin ang delivery.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ngunit agad na naisip ni Anne May na gamitin ang tracking number sa package upang malaman ang iba pang detalye ng pinagmulan nito.

"Sellers" din ang nakalagay na seller sa waybill ng package at nang subukan ngang i-track ng magkapatid ang package, invalid ang tracking number nito sa Lazada na siyang nakalagay na lugar kung saan ito na-order at maging ng LEX na sinasabing courier na nakasulat din sa waybill.

Read also

Estudyante, umalma sa grado na binigay ng guro na nakawala ng pinasa nilang proyekto

"Thank you sa nag-post before about this modus. Never thought we will experience this as well," pahayag ni Anne May at magsilbing babala raw ito sa publiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Taliwas sa inasidenteng ito, talamak naman noong nakaraang taon ang mga prank, o fake orders sa mga food delivery riders.

Nito lamang Disyembre, sabay-sabay na naloko ng fake order ang sampung food delivery rider sa Maynila.

Hindi rin ito nalalayo sa kwento ng nasa 16 na mga riders sa Las Piñas nang maloko rin sila ng fake order. Sa awa, binili ng ilang residente ang mga pagkain upang makabawas sa bayarin ng mga delivery rider.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica