Estudyante, umalma sa binigay na grado ng guro na nakawala ng pinasa nilang proyekto
- Ibinahagi ng isang estudyante ang naging grado niya at mapapansin ang ilang bagsak nitong marka
- Naitanong umano niya sa kanyang guro kung bakit siya bumagsak gayung nagpasa naman siya ng proyekto at activities sa naturang asignatura
- Naiwala raw ito ng guro na siyang dahilan kung bakit bagsak ang kanyang grado sa apektadong subjects
- Kaya naman laking pagtataka ng estudyante kung bakit kailangan niyang bumagsak gayung naipasa naman niya ang mga requirements para sa subject na may mababang marka
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post ng estudyanteng si Willow Hamada tungkol umano sa mababang grado na nakuha niya sa ilang subject.
Nalaman ng KAMI na umalma ang estudyante dahil bukod tangi ang mga subjects na Music, Arts at Health ay mayroong mababang marka na 74 sa lahat ng grades na kanyang nakuha.
Upang maliwanagan, tinanong umano ni Willow ang kanyang guro kung bakit bagsak ang nakuhang nota.
Aminadong nadismaya si Willow sa kanyang marka gayung nagpasa naman siya ng mga requirements tulad ng projects at activities sa naturang mga asignatura.
"Ang sagot niya, kulang daw ako sa requirements which is not. Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak?" pahayag ng estudyante.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Para kay Willow, mali umano ang ginawa ng kanyang guro na basta na lamang silang ibinagsak gayung sinikap niyang makapagpasa ng mga kailangan upang siya ay hindi bumagsak.
"Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades?" dagdag pa ni Willow.
Laking pasalamat na lamang daw niya na hindi siya gaanong ino-obliga ng kanyang mga magulang na magkaroon ng mataas na marka. Subalit hindi raw katanggap-tanggap ang mababang nota gayung ginawa nila ang kanilang gampanin bilang isang estudyante.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng pandemya, marami nang mga estudyante ang naglabas ng kanilang hinaing sa kani-kanilang dinaranas na pagbabago.
Isa na rito ang isang working student na lakas loob na naglabas ng hinaing sa kanyang mga propesor na hinay-hinay lamang umano sa mga pinagagawa sa kanila
Isa rin namang mag-aaral sa elementarya ang naiyak na lamang sa dami ng modules na kanyang sinasagutan.
Inaasahang tatagal pa hanggang Hunyo ang panuruang taong 2020-2021 kaya naman tinatayang tatlong buwan pa bubunuin ng mga guro at estudyante.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh