Working student, napaiyak nang maglabas ng hinaing kaugnay sa kanilang online class
- Viral ang video ng isang working student na naglabas ng saloobin tungkol sa kanilang online class
- Aminado siyang nahihirapan dahil na rin sa patong-patong na activities na binibigay sa kanila ng kanilang mga propesor
- Aniya, wala na raw siya halos matutunan at ang tanging ginagawa niya ay para lamang makapagpasa ng mga ipinagagawa sa kanya sa tamang oras
- Hindi niya napigilang maiyak bunsod ng nararamdaman at nakiusap din siya sa mga guro na maghinay-hinay lang mga ipinagagawa sa kanila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Talagang napahagulhol ang working student na si Lonesa Magbanua nang maglabas siya ng kanyang saloobin sa kanilang online class.
Nalaman ng KAMI na aminado ang estudyanteng tila mas mahirap ang sistema ngayong online na ang klase dahil sa mas patong-patong ang ginagawa at halos sabay-sabay ang deadline ng mga activities.
Self-suppoting pa si Lonesa kaya naman iginagapang niya talaga ang kanyang pag-aaral habang nagha-hanapbuhay.
Ang isa pang nagpapahirap sa kanya ay ang malabo niyang mga mata ngunit imbis na bumili ng salamin ay ipanggagastos na lamang daw niya sa iba pang kailangan niya sa klase.
Aminado si Lonesa na halos wala na rin naman daw siya talagang matutunan at ginagawa lamang niya ang kanyang mga activities upang makapagpasa lamang sa tamang oras.
Hindi raw sila mga robot, at napapagod din sila dahil mula umaga hanggang gabi ay "nag-aaral" pa rin sila.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa panibagong post ni Lonesa, nagpapasalamat siya dahil napakinggan ng kanilang paaralan ang kanyang hinaing dahil sa nag-viral ang kanyang post.
Katunayan, naglabas pa ng memo ang kanilang paaralan upang maaksyunan ang panawagan ni Lonesa sa kanyang mga guro.
Sana raw ay maging 'eye-opener' ang kanyang video di lamang sa kanyang paaralan kundi sa lahat ng mga eskwelahan at unibersidad na "maghinay-hinay" lamang sa mga ipinapagawa sa kanilang mga estudyante sa online class.
Narito ang kabuuan ng video ni Lonesa:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Aminin man natin o hindi, karamihan sa ating mga mag-aaral sa anumang antas ay hirap na makasabay sa online class na siyang pangunahing paraang ng pagkatuto ngayon ng mga mag-aaral sa new normal.
Ang ilan, umaakyat pa talaga ng bundok para lamang magkaroon ng maayos na koneksyon ng internet.
Ang iba naman gaya ni Lonesa, kinakailangang maghanapbuhay kaya kahit nasa trabaho ay nagagawa pa ring isingit ang pagdalo sa klase.
Mapa-estudyante man o guro, malaki ang sakripisyo na ginagawa sa sistema ng edukasyon ngayong pandemya.
Gayunpaman, sinisikap ng bawat isa na hindi masayang ang panuruang taong ito at patuloy pa rin ang pagkatuto ng bawat mag-aaral sa bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh