Propesor, nahabag sa mga online students na namumundok pa para sa signal
- Viral ang post ng isang guro na ibinahagi ang kalagayan ng kanyang mga estudyante sa pagsisimula ng kanilang online class
- Nagtaka umano siya kung bakit agad na nagpaalam ang isa niyang estudyante dahil lamang low battery na ito
- Napag-alaman niyang nasa bundok pala ito kasama ng ilang pang mga estudyante
- Nadurog lalo ang puso ng propesor nang malamang marami pala sa kanyang mga estudyante ay may kaparehong kalagayan na kinakailangan ang umakyat sa mataas na lugar upang makasagap ng maayos na internet connection
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang nakakaantig ng pusong post ng propesor na si Dr. Hazel Villa tungkol sa kalagayan ng mga estudyante niya sa kanilang online class.
Nalaman ng KAMI na sa pagbubukas ng klase nila sa unibersidad sa Iloilo, isang estudyante ang agad na nagsabing mawawala na siya sa klase.
Nang inalam ni Dr. Villa ang dahilan, sinabi ng estudyante na dahil low battery na siya.
Aminado ang guro na tila natarayan pa niya ito at sinabing mag-charge na lamang.
Doon ikinuwento ng estudyante na nasa bundok sila at isang kilometro ang layo nito sa kanilang bahay.
Kaya naman kung uuwi pa siya para lang mag-charge sa isang oras, babalik at lalakad muli siya ng isang kilometro para makadalo naman sa online class ng iba pa nilang klase.
Hindi raw agad na nakapagsalita ang propesor sa narinig lalo na nang malamang marami pa pala sa kanyang mga estudyente ang may kaparehong kalagayan.
Bilang patunay, nagpadala pa raw ang mga ito ng mga larawan kung saan sila pumipwesto kapag nagkaklase.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Lubhang mapanganib ang sakripisyo na ito ng mga estudyante lalo na kung umuulan.
Bukod sa putik sa kanilang daraanan, matinding peligro rin ang dala ng kidlat.
Dahil sa mga nakakadurog ng pusong kwento na ito ng kanyang mga estudyante, marami ang naantig at nagpaabot ng tulong.
Mayroong nag-donate ng magandang klaseng powerbanks upang di na mamroblema ang estudyante kung siya man ay ma-lowbat dahil sa pangmatagalan ang powerbank nila.
Patuloy ang pagbuhos ng tulong sa mga estudyante ni Dr. Villa dahil may mga nagpapadala na rin ng tulong pinansyal.
Nagpapasalamat si Dr. Villa sa mga nagmalasakit sa kanyang estudyante.
Magsibing aral at inspirasyon daw nawa ang mga estudyante niya sa iba pang mag-aaral dahil hindi biro ang sakripisyo at hirap ng mga ito gayundin ng kanilang mga pamilya para lamang maigapang ang kanilang edukasyon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa kabila ng pandemyang atin pa ring nararanasan, tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021.
Ang ilang pribadong paaralan at unibersidad ay nakapagsimula na tulad nina Dr. Villa.
Subalit para sa mga nasa pampublikong paaralan, Oktubre 5 pa ang pagbubukas ng kanilang tinatawag na blended learning.
Tulad ng mga estudyante ni Dr. Villa, ilan naman sa mga guro ng pampublikong paaralan ay nagsasakripisyo rin para lamang makasabay sila at ang kanilang mga estudyante sa kanilang araling inihanda ng Kagawaran ng Edukasyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh