Estudyante, naglabas ng saloobin tungkol sa pagdalo ng kanilang online class

Estudyante, naglabas ng saloobin tungkol sa pagdalo ng kanilang online class

- Viral ang post ng isang estudyanteng naglabas ng kanyang hinaing tungkol sa online class

- Hindi raw umano siya nakapag-quiz dahil sa mahinang internet

- Nakuha pa raw niyang magpa-load ng data ngunit di rin ito kinaya upang makabalik sa klase

- Ang masaklap, napagkamalan pa umano siya nitong hindi handa sa klase kaya aminado siyang sumama ang loob lalo na at ginawa naman niya umano ang lahat upang makabalik sa online class

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Estudyanteng may mahinang internet, naluha nang mapagkamalan ng guro na di handa
Photo (from Pxhere)
Source: UGC

Matapang na naglabas ng saloobin ang isang estudyante tungkol sa hinaing niya sa kanilang online class.

Nalaman ng KAMI na hindi umano siya nakakuha ng quiz dahil sa mahinang internet connection.

Kwento pa niya, dalawang araw nang may problema ang kanilang wifi kaya naman nag-load na lamang siya ng data para lamang makadalo pa rin sa kanilang online class.

Read also

Propesor, nahabag sa mga online students na namumundok pa para sa signal

Subalit sa di inaasahang pagkakataon, hindi pa rin kaya ng data na kanyang ginamit ang pagdalo sa klase.

Nakailang beses na umano siyang sumubok na bumalik sa klase ngunit hindi talaga siya nagkaroon ng maayos na koneksyon para makasagot sa kanilang quiz.

Ipinaalam naman niya ang pangyayari sa kanyang guro. Sa kasamaang palad, imbis na siya ay unawain, napagkamalan pa siya nitong hindi handa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa sobrang sama ng loob, ilang beses daw niyang iniyakan ang insidenteng iyon.

Marami ang nagsasabing naka-relate sa dinanas na ito ng nag-viral na estudyante lalo na at hindi lahat ay may kakayanang magkaroon ng sariling gadget at internet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng pandemyang patuloy pa ring nagpapahirap sa atin, tuloy pa rin ang klase ngayong panuruang taong 2019-2020.

Read also

Sekyu, nagbabasa-basa na ng mga law books bilang paghahanda sa pag-aabugasya

Isa ang online classes sa iba't ibang pamamaraan ng Department of Education upang hindi mahinto ang mga estudyante sa pag-aaral.

Sa mga walang kakayanang magkaroon ng kagamitan para sa online classes, mayroon namang ipamamahaging mga learning modules upang makasabay pa rin ang mga mag-aaral na ito.

May ilang channels din sa telebisyon ang inilaan upang makapanood ng mga lessons ang mag-aaral sa DepEd TV.

Habang ang ilang pribadong paaralan at unibersidad ay nagkaklase na, ang pampublikong paaralan ay nakatakdang magbukas ng klase sa Oktubre 5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica