Sekyu, nagbabasa-basa na ng mga law books bilang paghahanda sa pag-aabugasya

Sekyu, nagbabasa-basa na ng mga law books bilang paghahanda sa pag-aabugasya

- Hinangaan ang isang security guard na napansin ng isang netizen na madalas magbasa ng law books

- Guwardiya raw ito ng kanilang condominium at nang malamang abogado pala ang netizen, lagi raw itong nagtatanong sa kanya

- Balak daw umano ng sekyu na kumuha ng Law subalit di pa raw kaya ng kanyang oras at budget

- Sa tuwa ng abogado, binigyan pa umano niya ng mga libro ang sekyu upang mas mapaghandaan pa niya ang pagiging isang ganap na abogado balang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sekyu, nagbabasa-basa na ng mga law books bilang paghahanda sa pag-aabugasya
Photo from Pick Pic
Source: UGC

Viral ang isang post tungkol sa isang security guard na madalas magbasa nga mga libro tungkol sa law.

Nalaman ng KAMI na bantay ng isang condominium ang guard at napansin ng netizen na si Keij Ejercito na madalas itong magbasa.

Kwento pa ni Keij, nang malaman pa ng sekyu na abogado siya, panay na raw ang tanong nito sa kanya bilang paglilinaw sa kanyang mga nabasa.

Read also

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Dahil dito, naging close na si Keij sa kahanga-hangang sekyu.

Doon nalaman niyang nais pala talagang maging abogado ng security guard na kilala niya bilang si Sir Abbang.

Subalit dala ng pagkakataon, hindi raw nito kayang makapag-aral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman minabuti niyang magbasa-basa sa mga libreng oras niya.

Kitang-kita raw ang kasipagan nito kaya hindi raw magtataka si Keij na isang araw, mababalitaan niyang magiging BAR topnotcher si Sir Abbang.

Dalawang linggo ang nakaraan nang itanong daw sa kanya kung may bago nang rules of court gayung lumang libro na kasi ang kanyang binabasa.

Doon nagka-ideya si Keij na bigyan ng munting regalo ang masipag na sekyu.

"I hope he serves as an eye opener to those who are privileged and an inspiration to those who have less in life," ani Keij.

"Mabuhay po kayo, Sir Abbang! Aabangan po namin ang inyong pag-aabugasya!" bilang pagtatapos niya sa nakaka-inspire na post.

Read also

Propesor, nahabag sa mga online students na namumundok pa para sa signal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang security guard din ang nabiyayan ng bagong bike matapos na mamataan siyang 'kiddie bike' lamang ang gamit.

Ilang pulis ang nakapansin sa kanya na araw-araw na pumapasok gamit ang pambatang bisikleta.

Samantala, good vibes naman ang hatid ng isang security guard na aktibo sa TikTok.

Marami ang naaliw sa kanya sa husay nito sa pagsayaw at kahit pa naka-uniporme, todo hataw pa rin siya sa paggawa ng videos.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica