Ina, nagulat sa nag-deliver ng dalawang cake na order pala ng anak niya
- Nagulat ang isang ina nang bigla na lamang may delivery rider na may dalang mga cake para sa kanila
- Iyon pala'y aksidenteng naka-order ang kanyang anak ng dalawang cake at isang balot ng tinapay sa isang food delivery app
- Aminadong naiyak ang ina dahil wala umano siyang pambayad sa mga na-order ng anak kaya pilit pa niya sana itong ikina-cancel
- Mabuti na lamang at mabait ang rider na pumayag na cashless payment ang gawin ng ina ng bata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang post ng ina na si Angel Operaña na aminadong nasurpresa nang bigla na lamang may dumating na dalawang cake at isang balot ng tinapay dala ng isang delivery rider.
Iyon pala, aksidenteng naka-order ang kanyang anak sa isang food delivery app na umabot pa sa halagang mahigit isang libong piso.
"Nakakaiyak nalang talaga buching!! Sana ulam nalang pinag bibili mo," pahayag ni Angel sa kanyang post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Pilit pa sana niyang kina-cancel ang order subalit hindi na maari. Wala raw umano siya talagang pambayad kaya naman labis siyang nag-alala.
Laking pasalamat na lamang niya na mabait ang rider na pumayag na cashless payment na lang ang kanyang gamitin.
Kwento pa mismo ni Angel sa KAMI, ibinigay nila ang isang cake habang ang isa ay hindi pa nila nakakakain gayundin ang mongo bread.
Bilang pag-iingat, naglagay na rin ng app locker si Angel at napilitan na rin siyang i-uninstall ang mga food delivery app.
Sa ngayon, umabot na sa 13,000 na reaksyon ng naturang post na kinagiliwan ng maraming netizens.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Hindi nalalayo ang kwento ni "Buching" sa isang tatlong taong gulang na bata na naka-order naman ng mga mamahaling laruan. Walang nagawa ang kanyang mga kaanak na napagbayad niya ng halagang PHP4,000. Labis naman ang kasiyahan ng bata nang matanggap ang mga laruan na matagal na pala niyang inaasam.
Samantala, isang pitong taong gulang na bata naman ang aksidenteng naka-order ng 42 na chicken fillets. Na-cancel ang ilan subalit dumating pa rin sa kanila ang nasa 30 nito. Nagkaroon kasi ng problema sa internet kaya naman makailang beses na napindot ng bata ang "place order."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh