Lalaking biglang nanulak sa isang Asian sa New York, nasundan at nakunan ng larawan

Lalaking biglang nanulak sa isang Asian sa New York, nasundan at nakunan ng larawan

- Isa na namang matanda na pinaniniwalaang isang Chinese ang bigla na lamang itinulak nang walang dahilan sa New York

- Nakunan ng surveillance camera ang pangyayari kung saan isang lalake ang makikitang bigla na lang umatake sa matanda

- Naglabas naman ng sama ng loob ang anak ng biktima at nanawagan na mahanap ang lalaking nanakit sa kanyang ina

- Nakunan umano ito ng larawan ang lalaki matapos na umalis na lamang ito na parang wala umanong nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang Asian ang umano'y bigla na lamang inatake ng isang hindi pa nakikilalang lalake sa Queen's New York.

Nalaman ng KAMI na isang matandang babae na pinaniniwalaang isang Chinese ang naglalakad nang biglang itulak at sunggaban siya ng isang lalake.

Ang anak ng biktima na si Maggie Kayla Cheng ay naglabas ng saloobin sa kanyang mga social media pages upang ibahagi ang hindi magandang nangyari sa kanyang ina.

Ina, nagulat sa nag-deliver ng dalawang cake na order pala ng anak niya
Lalaking biglang nanulak sa isang Asian sa New York, nasundan at nakunan ng larawan

Photo from Flickr
Source: UGC

"I am heart broken and devastated. This dou***bag was yelling out racial slurs, walks into my mom and shoved my mother on Main street and Roosevelt Avenue in Flushing, Queens today," bungad ni Maggie sa kanyang post.

Dahil umano sa pag-atake, tumama ang ulo ng ina dahilan upang magkaroon ito ng 5-10 tahi.

"Hate crime has no place in our community. How you go up against a 5'3 110-115 lbs lady? How no one holds this person down on Main street is another question," pagpapahayag ng pagkadismaya ni Maggie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Laking pasalamat umano niya na isang bystander ang sumunod at nakunan ng larawan ang lalake na basta na lamang umalis na para umanong walang nangyari.

Nanawagan na rin siya sa publiko upang mas mapadali ang paghahanap sa lalake lalo na at may mga larawan na ito.

Law student, masaya sa 8 law books na Valentine's gift ng kanyang nobyo

"Please share and repost and help us find this man responsible for hurting my mother."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tila nadadalas na umano sa Amerika ang pag-atake ng walang dahilan sa mga Asian partikular na sa mga may edad na.

Kamakailan, isang kababayan nating 64-anyos ang nalaslasan ng mukha sa subway train sa New York. Ang masaklap pa sa nangyari, wala raw agad na tumulong sa kanya.

Hindi rin nalalayo rito ang sinapit ng isang Pinay na may edad na nasa 80-anyos na biglaan ding inatake ng isang lalake sa San Diego, California.

Naniniwala si Joann Fields, ang Filipino Resource Center Director sa Amerika na naging madalas ang mga pag-atake sa mga Asyano sa Amerika mula nang magsimula ang pandemya. Pinaniniwalaang tila nasisisi ang mga walang malay na Asyano dahil nagsimula umano ang COVID-19 sa China.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel