Law student, masaya sa 8 law books na Valentine's gift ng kanyang nobyo

Law student, masaya sa 8 law books na Valentine's gift ng kanyang nobyo

- Hinangaan ang isang third year law student dahil sa pagiging praktikal nito at hindi mga bulaklak at tsokolate ang inasam na matanggap noong Valentine's day

- Mas masaya siyang nakatanggap ng walong law books na regalo ng kanyang nobyo na isang engineer sa barko

- Super proud din ang girlfriend sa kanyang nobyo dahil masugid na niya itong manliligaw noon pang 2006

- First boyfriend din daw niya ito at bagama't nagkahiwalay sila, hindi na muling nagka-nobya ng iba ang lalake hanggang sa sila'y nagkabalikan noong 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang love story sa likod ng "practical gifts" na natanggap ni Malia Annellie Laynes mula sa kanyang nobyo na si Eugene Barrogo Jr.

Una nang umagaw ng pansin sa social media ang walong law books na natanggap ni Annellie bilang Valentine's gift mula sa kay Eugene.

Read also

Cassy Legaspi, Darren Espanto nagpalitan ng nakakakilig na ‘cup noodle’ tweets

Sa kanyang Facebook post, nasabi niyang mas masaya siyang ito ang mga natanggap kaysa sa mga bulaklak at tsokolate.

Law Student, masayang nakatanggap ng 8 law books bilang Valentine's gift
Photo from Malia Annellie Laynes
Source: Facebook

"Thank you so much for granting me eight books from my wish list. This is way better than a bouquet of flowers and chocolates," ang pasasalamat ni Annellie sa nobyo.

Kwento mismo niya sa KAMI, first boyfriend niya talaga si Eugene.

"Tawag ko nga sa kanya long time suitor kasi since 2006 pa siya nanliligaw and never siya nag-GF, hinintay niya talaga ako."

At kahit nagkahiwalay sila, nagkabalikan din naman muli nitong nakaraang taon.

"He was my first boyfriend naghiwalay kami tapos bumalik siya last year 2020 para ligawan ulit ako kasi nalaman niya na single na ako. And ginawa naman talaga niya lahat to pursue me."

Ngayong third year law student si Annellie, malaking bagay ang mga natanggap niyang books at school supplies mula kay Eugene.

Read also

Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

Kahit kasi malayo ito, bilang isang engineer sa barko, nagawa pa rin niyang mapasaya si Annellie sa Araw ng mga Puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa pagdiriwang ng Valentine's day ngayong taon, ilan pang mga love story ang nag-viral at nagpakilig sa mga netizens.

Isa na rito ang kwento ng couple na naging panauhin ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga. Ikinuwento nila kung paano nila nahanap ang isa't isa dahil lamang sa ₱20.

Ganoon din ang isang mister na matiyagang naghintay sa kanyang misis sa paborito nilang coffee shop upang surpresahin nito ng mga bulaklak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: