Cassy Legaspi, Darren Espanto nagpalitan ng nakakakilig na ‘cup noodle’ tweets

Cassy Legaspi, Darren Espanto nagpalitan ng nakakakilig na ‘cup noodle’ tweets

- Nagpalitan ng tweets tungkol sa cup noodles sina Cassy Legazpi at Darren Espanto sa Twitter

- Nagsimula ito ng gumawa ng poll ang Kapamilya singer-performer tungkol sa paggawa ng cup noodles para sa mahal ng isang tao

- Isa si Cassy sa mga nag-comment at halatang may naging naunang pag-uusap na sila tungkol dito

- Nagpost rin si Cassy ng bouquet of flowers na hinihinalang galing kay Darren at may kasamang cup noodles ito sa litrato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan sina Cassy Legaspi at Darren Espanto dahil sa kanilang palitan ng tweets patungkol sa cup noodles at 'di umano ay pinadalhan ni Darren ng bulaklak ang dalaga.

Cassy Legaspi, Darren Espanto nagpalitan ng nakakakilig na ‘cup noodle’ tweets

Cassy Legaspi (Photo credit: @LegazpiCassy)
Source: Twitter

Nagsimula ang nakakakilig na haka-haka ng gumawa ng poll si Darren Espanto sa Twitter noong ika-10 ng Pebrero.

"Pag mahal mo ang isang tao, gagawan mo ba siya ng cup noodles pag humingi siya, o hindi, kasi sobrang dali lang gawin?"
Law student, masaya sa 8 law books na Valentine's gift ng kanyang nobyo
"Wag na po kayong mag tanong, I’m trying to prove a point. HAHAHA seryoso ‘to."

Ang mga netizens na sumali sa poll ay kadalasan sumang-ayon kay Darren.

67.4% ng mga netizens ang sumagot ng "Oo, gagawan ko siya" habang 32.6% ang sumagot naman ng "Hindi, kaya na niya yan".

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang kaibigang artista ni Darren ang sumali rin tulad ni Cassy Legaspi na nag-comment sa thread.

"I would, in a heartbeat." sagot ni Cassy na may kasama pang cup noodles emoji.
"NO, YOU JUST SAID YOU WOULDN’T." pagtatampong sagot ni Darren.
"I WAS JOKING, OF COURSE I WOULD." sagot ulit ni Cassy na may kasamang rolling eyes emoji.

Halatadong may nauna nang pribadong ‘convo’ ang dalawa tungkol sa bagay na ito at ito siguro ang dahilan na nagsagawa ng poll si Darren sa Twitter.

Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

Bigla namang sumali ang twin brother ni Cassy na si Mavy Legaspi sa usapan nang dalawa.

"ang sagot dyan @Espanto2001, ay... 'babe, tulog nalang tayo.'" pabirong sagot ng kakambal.
"ewan ko sa’yo Maverick." patawang sagot ni Darren na may laughing emojis.

At hindi lang doon natapos ang kulitan ng dalawa sapagka’t kinabukasan, ika-11 ng Pebrero, ay nagpost naman si Cassy ng may kinalaman pa rin tungkol sa cup noodles.

"Good Evening everyone [crescent moon emoji]
"except for the guy who still thinks I wouldn’t make cup noodles for the person I love [rolling eyes emoji]." pang-aasar ni Cassy.

Agad naman itong sinagot ni Darren…

"For real, that’s so sad. I feel bad for the guy." patawang sagot ni Darren.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Lalo namang kinilig ang mga fans nang mag-post si Cassy ng litrato niyang nakahawak ng sunflower bouquet at isa pang litrato ng nasabing bouquet na may kasamang cup noodles.

Bryan Santos, Marlann Flores engaged na; sa Araw ng mga Puso pa mismo
"happy Valentine’s Day everyone! [lovestruck and heart emojis]
"wag na maging tampo, gawa nalang kayo ng cup noodles for the person you love."

Hinala ng mga netizens na si Darren ang nagbigay ng flowers. May post rin kung saan pinasalamatan ng pamilya Legaspi ang binatilyo para sa pizza.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Cassy Legazpi ang isa sa kambal na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi. Una silang nakilala ng kanyang kakambal na si Mavy Legazpi sa mga commercials. Ngayon ay kasama na sila sa ilang Kapuso shows, kagaya ng “Sarap, ‘Di Ba?”

Sa naunang ulat ng KAMI ay ibinahagi ang tungkol sa naging reaksyon ni Zoren ng padalhan ni Darren ang anak ng bouquet of sunflowers.

Minsan na ring nabalita ang pagbubunyag ni Cassy na may nambu-bully sa kanya noong bata pa siya. Nagbigay rin siya ng payo tungkol sa pag-deal sa mga hate comments.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel