Bryan Santos, Marlann Flores engaged na; sa Araw ng mga Puso pa mismo

Bryan Santos, Marlann Flores engaged na; sa Araw ng mga Puso pa mismo

- Engaged na ang Kapamilya stars na sina Bryan Santos at Marlann Flores

- Ang magandang balita ay ibinahagi ng aktres sa Araw ng mga Puso mismo

- Malaki ang pasalamat ni Marlann sa Panginoon dahil sa pagpapatibay ng relasyon nila

- Siyam na taon naging magkasintahan ang dalawa at nagkakilala sila sa set ng “Imortal”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinala na sa next level nina Bryan Santos at Marlann Flores ang kanilang relasyon matapos ang mahabang panahon ng pagiging magkasintahan.

Bryan Santos, Marlann Flores engaged na; sa Araw ng mga Puso pa mismo

Marlann Flores and Bryan Santos (Photo credit: @bryanjsantos_)
Source: Instagram

Pagkatapos ng siyam na taon ng kanilang relasyon bilang mag-boyfriend at girlfriend ay engaged na ang celebrity couple na sina Bryan at Marlann. Inanunsyo nila ang magandang balita sa social media nitong ika-14 ng Pebrero, sa Araw ng mga Puso mismo.

Nag-post si Marlann sa Instagram ng isang larawan kung saan ay may hawak siyang bouquet ng bulaklak at makikita ang suot niyang engagement ring.

'Crash Landing on You' stars, dagdag kilig sa Valentine's day sa bagong ad ng Smart

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sabi niya sa caption:

“Happy Hearts Day!
"My best friend is now my fiancé! It feels surreal... Somebody pinch me!!! I love you so much, @bryanjsantos_! You are my answered prayer. God's timing is indeed perfect!
"And so the adventure begins...
"#TheOneWithTheProposal ”

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Malaki rin ang pasasalamat ng 28-taong-gulang na aktres sa Panginoon dahil sa pagpapatatag ng relasyon nilang dalawa sa loob ng mahabang panahon.

“He has made everything beautiful in its time... Praise God from whom all blessings flow. (heart emoji) My lobster… for life, @bryanjsantos_” sabi niya sa isang post.

Nagkakilala sina Bryan at Marlann sa set ng primetime series na “Imortal” ng ABS-CBN noong 2011. Kapwa kasama sa cast ang dalawa, at ang ginampanan nilang mga karakter ay sina Gael at Olive. Pagkatapos ng nasabing proyekto ay nagpatuloy ang ugnayan at nagsimulang mag-date ang dalawa.

Vin Abrenica at Sophie Albert, isinapubliko ang kanilang engagement

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Marlann Flores ay naging bahagi ng ilang pelikula sa Star Cinema. Kabilang sa mga naging proyekto niya ay ang “No Other Woman”, “Maybe This Time”, at “My Perfect You”.

Si Bryan Santos naman ay pamangkin ni dating ABS-CBN President Charo Santos-Concio at head ng Star Cinema na si Malou Santos. Pagkatapos mapasama sa “Imortal” ay naging bahagi siya ng all-male group na Harana hanggang sa 2018.

Hindi lang sina Bryan at Marlann ang mga celebrity couple na na-engaged sa panahon ng pandemic. Usap-usapan rin ngayon ang engagement nina Glaiza De Castro at Irish boyfriend na si David Rainey. Syempre, naging viral din ang engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola bago matapos ang taong 2020.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel