Vin Abrenica at Sophie Albert, isinapubliko ang kanilang engagement

Vin Abrenica at Sophie Albert, isinapubliko ang kanilang engagement

- Isinapuliko na ng magkasintahang Vin Abrenica at Sophie Albert ang tungkol sa kanilang engagement

- Base sa dalawa naganap ang engagement noong nakaraang taon ng December 12, 20202

- Ibinahagi ng dalawa ang tungkol dito halos isang linggo lang matapos nilang ibahagi ang tungkol sa balak nilang magsama sa iisang bubong

- Bumuhos naman ang pagbati para sa kanilang dalawa mula sa mga kasamahan nila sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi nina Vin Abrenica at Sophie Albert ang balita na engaged na sila s pamamagitan ng kanilang Instagram account. Ayon sa aktres, nagpropose sa kanya si Vin bago matapos ang taong 2020.

We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED!”

Pinasalamatan ni Sophie si Vin na inilarawan niya bilang kanyang best friend for life.

Lovi Poe binati ni ‘Harry Potter’ actor Tom Felton sa kanyang kaarawan
Vin Abrenica at Sophie Albert, isinapubliko ang kanilang engagement

Photo from Vin Abrenica (@vinabrenica)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ibinahagi naman ni Vin ang kanilang litrato sa ilalim ng tubig at ang suot na engagement ring ni Sophie.

“You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert. We’ve grown up together and I look forward to growing old together,” he said.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bumuhos naman ang pagbati para sa dalawa mula sa kanilang mga tagahanga at mga kaibigan mula sa showbiz. Walong taon nang magkasintahan sina Vin at Sophie.

Kamakailan lang ay ibinalita nilang dalawa na magsasama na sila sa iisang bubong. Naging abala umano sila sa paghahanda sa kanilang paglilipat sa bagong bahay.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Geneva Cruz, pumalag sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens

Si Vin Abrenica ay aktor na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang Kapamilya series kagaya ng Wild Flower at A Soldier's Heart. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor na si Aljur Abrenica.

Kamakailan ay naging emosyonal si Vin sa mensahe para sa kanya ng girlfriend na si Sophie. Si Vin ang naunang nagkumpirma tungkol sa pamamanhikan noon ng kanyang kapatid na si Aljur.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel