Lovi Poe binati ni ‘Harry Potter’ actor Tom Felton sa kanyang kaarawan

Lovi Poe binati ni ‘Harry Potter’ actor Tom Felton sa kanyang kaarawan

- Nagdiwang si Lovi Poe ng kanyang ika-32 na kaarawan at mas naging espesyal ito dahil sa bago niyang teleserye

- Ngunit mas naging memorable ito dahil sa pagbati sa kanya ng “Harry Potter” actor na si Tom Felton

- Ang boyfriend ni Lovi na si Monty Blencowe pala ang naging tulay upang matanggap ng aktres ang special greeting

- Nagpahayag din ng panghihinayang si ‘Draco Malfoy’ dahil sa hindi sila makakapagdiwang ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas naging espesyal ang pagdiriwang ni Lovi Poe sa kanyang ika-32 na kaarawan matapos siyang batiin ng English actor na si Tom Felton.

Lovi Poe binati ni ‘Harry Potter’ actor Tom Felton sa kanyang kaarawan

Lovi Poe (Photo credit: @lovipoe)
Source: Instagram

Isang video clip ang ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang Twitter account na nagpapakita ng pagbati sa kanya ng “Harry Potter” star. Sa clip ay makikita na binati ni Tom si Lovi at nag-congratulate pa ito sa kanyang bagong serye, ang “Owe My Love”.

James Reid, Nancy McDonie hindi na magkakasama sa ‘Soulmate’ series

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang espesyal na video greeting ay plano pala ng British boyfriend ni Lovi na si Montgomery Blencowe, o mas kilala sa tawag na “Monty”. Si Monty ay isang film producer na naka-base sa Los Angeles, U.S.A.

Ayon kay Tom ay matagal na nila itong pinag-usapan.

“Monty and I have been speaking for quite a while about the best way to ring in your birthday,” sabi ng aktor.
“Well to celebrate the fact that you [have] this new TV show, Owe My Love, well congratu-bloody-lations!”

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nagpahayag din ng panghihinayang ang aktor dahil sa hindi nila magagawang makapagdiwang ngayong taon dahil sa pandemic.

“Unfortunately Monty and my plans to have a massive festivity where we can all get together and have a little jamboree, a little boogie, and dance can't happen this year, or can't happen right now because of everything that's going on.”
Geneva Cruz, pumalag sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens

Si Tom ay sumikat dahil sa pag-ganap niya bilang Draco Malfoy sa “Harry Potter” film franchise.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na aktres ng GMA-7. Siya ay anak ni 'Da King' Fernando Poe Jr. Ang kanyang bagong teleserye na “Owe My Love” ay nakatakdang ipalabas nitong ika-15 Pebrero sa GMA Telebabad. Makakapareha niya rito si Benjamin Alves.

Isa si Lovi sa mga kilalang Pinay celebrities na umibig sa mga foreign nationals.

Halos isang buwan na ang nakakaraan ay nagkaroon ng espekulasyon ang mga netizens na baka engaged na sina Lovi at Monty. Ito ay dahil sa kumalat na larawan kung saan ay makikitang niyayakap ni Lovi ang boyfriend at may suot siyang singsing.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel