James Reid, Nancy McDonie hindi na magkakasama sa ‘Soulmate’ series

James Reid, Nancy McDonie hindi na magkakasama sa ‘Soulmate’ series

- Ibinunyag ni James Reid na hindi na siya magiging bahagi ng “The Soulmate Project”

- Ang nasabing proyekto ay dapat sana gagawin niya kasama si Nancy McDonie ng Momoland

- Hindi nagbigay ng paliwanag ang Kapamilya actor kung bakit hindi siya matutuloy sa proyekto

- Kasama pa rin ang “The Soul Project” sa mga inaasahang palabas ng ABS-CBN para sa 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni James Reid na hindi na matutuloy ang kanyang pagsabak sa “The Soulmate Project”, kung saan ay dapat makakapareha niya si Nancy McDonie ng Momoland.

James Reid, Nancy McDonie hindi na magkakasama sa ‘Soulmate’ series
James Reid (Photo credit: @james)
Source: Instagram

Sa isang video clip na ipinost ng Instagram account ng isang JaDine fan noong ika-8 ng Pebrero ay napag-alaman na hindi pala tutuloy ang Kapamilya actor sa pag-ganap sa proyekto.

Ang nasabing video ay pinamagatang “Hangout with James Reid” na ipinalabas sa Kumu channel ng TaxWhizPH.

Read also

Ogie Diaz at Mama Loi, kinumpirmang Kapamilya parin si Sarah Geronimo

Sa sinabing Kumu session ay tinanong si James tungkol sa “The Soulmate Project”.

Naging maikli ang sagot ng aktor, at sinabi niyang hindi niya gagawing ang proyekto.

“Soulmate... I won’t be doing Soulmate,”

Hindi naman nagbigay ng paliwanag si James kung bakit hindi siya matutuloy sa nasabing proyekto.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaan na noong ika-4 ng Oktubre 2019 ay inanunsyo ng ABS-CBN ang magiging tambalan nina James at ng K-Pop star sa nasabing proyekto. Dumalo rin ang dalawa sa story conference ng “The Soulmate Project”.

Ngunit may mga bali-balita na nag-aalinlangan si James sa nasabing proyekto at ang dahilan nito ay si Nadine Lustre na girlfriend at ka-loveteam niya noon.

Sinaway rin ng “On the Wings of Love” star ang mga fans na tinatawag ang tandem nila ni Nancy na JaNcy. Ayon sa kanya, isa lang ang love team niya at iyon ay ang JaDine.

Read also

Sarah Geronimo, trending matapos hindi makadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

Kasama dapat ang “The Soulmate Project” sa mga shows ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment noong 2020. Ngunit naantala ang produksyon nito dahil sa pandemic.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ayon sa writer at director ng serye na si Antoinette Jadaone ay mas pipiliin na lamang niya na hintaying matapos ang pandemic kaysa simulan ang produksyon nito sa lock-in taping.

“Ayoko siyang i-revise, i-scale down just to fit the safety protocols. Feeling ko magiging iba iyong kalalabasan kapag ipilit natin sa ganun.” sabi ni Antoinette.

Kasali pa rin ang nasabing palabas sa 2021 offerings ng Kapamilya Channel, pero hindi pa malinaw kung sino ang magiging leading man ni Nancy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si James Reid ay isang aktor, singer, performer, product endorser, at record producer. Isa ang love team nila ni Nadine Lustre, ang JaDine, sa mga pinaka-sikat na tambalan sa ABS-CBN.

Read also

Toni Gonzaga, tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pinaayos niyang toddler room ni Seve

Isa si Nadine sa mga artists ni James sa record label niya na Careless Music. Bago matapos ang 2020 ay nag-release ang singer-actress ng bagong kanta na pinamagatang “Wildest Dreams”. Naging usap-usapan din ang pag-post ni James ng visual album official trailer ni Nadine.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)