Ogie Diaz at Mama Loi, kinumpirmang Kapamilya parin si Sarah Geronimo

Ogie Diaz at Mama Loi, kinumpirmang Kapamilya parin si Sarah Geronimo

- Nilinaw ni Ogie Diaz at kasama niyang si Mama Loi na nanatiling Kapamilya si Sarah Geronimo

- Ito ay sa gitna ng mga bulong-bulungang lumipat na ng estasyon ang sikat na mang-aaawit

- Ilang Linggo nang hindi napapanood sa ASAP Natin 'To ang Popstar na ipinagtataka ng kanyang mga tagahanga

- Ibinahagi din nilang nauna nang nakatanggap ng offer si Sarah mula sa TV5 ngunit hindi pumayag ang ABS-CBN at nag-counter offer kaya nanatiling Kapamilya ang singer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas ang usap-usapang lumipat na umano ng estasyon si Sarah Geronimo, nilinaw ng showbiz reporter na si Ogie Diaz at celebrity stylist na si Mama Loi na nananatiling isang Kapamilya si Sarah.

Kwento pa ni Mama Loi, napag-alaman niya sa isang showbiz insider na nakatanggap ng offer si Sarah para maging host ng isang palabas sa TV5.

Sarah Geronimo, trending matapos hindi makadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To
Ogie Diaz at Mama Loi, kinumpirmang Kapamilya parin si Sarah Geronimo

Sarah Geronimo (Photo by Jun Sato/WireImage)
Source: Getty Images

Gayunpaman, hindi pumayag ang ABS-CBN at nag-counter offer sila kaya hindi na tinanggap ni Sarah ang offer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa kanila, may lumabas na balitang ang dahilan umano ni Sarah kung bakit hindi siya napapanood sa ASAP Natin 'To ng ilang Linggo ay dahil naghahanda umano ito para sa concert niya.

Mayroon ding lumalabas na isyung nahiya umano si Sarah dahil tinanggihan na niya ang offer ng TV5 pero sa kasalukuyan ay naipapalabas sa TV5 ang ASAP.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mayroon ding lumabas na balitang kasalukuyang nagdadalantao ito kaya nagpapahinga muna. Dagdag pa ni Ogie, dapat ay irespeto na lang ng publiko ang desisyon ni Sarah.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Geneva Cruz, pumalag sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.

Matatandaang nag-trend sa Twitter si Sarah matapos siyang hindi makasama sa ASAP Natin 'To nitong Linggo sa pagdiriwang ng ika-26 anniversary ng Sunday noontime show.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel