3-year-old boy, napagbayad ng P4,000 ang pamilya dahil sa mga na-order online

3-year-old boy, napagbayad ng P4,000 ang pamilya dahil sa mga na-order online

- Viral ang post ng isang tiyo na ikinuwento ang nagawang online shopping ng pamangkin na tatlong taong gulang pa lamang

- Nakatanggap ang ina ng bata ng text mula sa isang courier isang araw bago dumating ang unang order ngunit hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang wrong send lamang ito

- Laking gulat ng kanilang pamilya nang dumating nga ang mamahaling mga laruan sa bata

- Sinubukan nilang i-cancel ang order ngunit huli na ang lahat at naawa na rin sila sa delivery rider kaya wala silang nagawa kundi bayaran ang halaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngiting tagumpay ang tatlong taong gulang na bata na si Nathan Pana mula sa Catigbian, Bohol nang magsidatingan ang kanyang mga di sinasadyang order sa Shopee.

Nalaman ng KAMI na ginulat ni Nathan ang kanyang pamilya sa hindi lamang isa kundi dalawang mamahaling laruan mula sa nasabing online store.

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

Kwento ng tiyo nitong si Marloue Napiñas Mahumot, nakikita raw ng kanyang pamangkin ang pag-order ng ina nito sa Shopee ngunit hindi nila akalain na makakapag-proseso ito ng order.

3-anyos na bata, ginulat ang pamilya nang maka-order online ng mga laruang halagang P4,000

Si Nathan nang matanggap ang package kasama ang kanyang tito na nagbayad nito Photo from Marloue Napiñas Mahumot
Source: Facebook

Nakatanggap ang ina ni Nathan ng mensahe mula courier ngunit hindi niya ito pinansin.

Inakala niya kasing 'wrong send' lang ito o di kaya naman ay late message mula sa nauna niyang order.

Kaya naman, nang bumuluga sa kanila ang order ni Nathan na motorbike na may remote control at toy truck na may pedal, wala silang nagawa kundi ang bayaran ito.

Sinubukan umano nilang i-cancel ang mga order subalit huli na ang lahat at naawa na rin sila sa delivery rider kaya lalo na at magpapasko pa naman nang kanila itong makuha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, hindi naman matatawaran ang kasiyahan ng bata nang masakyan na ang mga na-order na laruan na tila ba'y ipinag-adya sa kanya.

China Roces, napaiyak dahil sa tuluyan nilang paghihiwalay ni Tim Sawyer

Dati lamang daw kasi itong pinapangarap at hinihiling ng bata at ngayo'y nasa kamay na niya.

Gayunpaman, magsilbing aral ito sa mga magulang patungkol sa paggabay sa mga anak lalo na at mabilis na silang matuto ngayon ng paggamit ng gadget.

Samantala, hindi nalalayo ang kwentong ito ni Nathan sa isang batang naka-order ng nasa 30 na chicken fillet meal na may french fries dahil umano sa lag ng internet. 42 talaga ang na-order ngunit na-cancel naman ang iba.

Isang bata naman ang nadismaya nang maling produkto ang naipadala sa kanya mula sa isa ring online shop. Excited pa naman ang bata sa pag-aakalang dumating na ang order niyang bag, subalit laking gulat nito na hindi iyon ang bag na kanyang napili.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel