Online Seller, ipinasilip ang bonggang bahay na katas ng kanyang pinaghirapan

Online Seller, ipinasilip ang bonggang bahay na katas ng kanyang pinaghirapan

- Viral ang post ng founder ng Perfectskin All Naturals, kung saan ipinakita niya ang ipinatatayong bahay

- Ipinagmamalaki rin niya ang pagiging isang online seller na naging daan upang makamit niya ang kanyang tinatamasa ngayon

- Marami umanong humuhusga sa mga tulad niyang online seller kaya ibinahagi niya ang post upang magsilbing inspirasyon

- Sa loob ng dalawang taong pagpaplano, malapit na ring matapos ang malaki at magandang bahay na katas umano ng pagiging isang online seller

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inspirasyon ang dala ng viral post ni Kat Trujillo-Ureta kung saan ipinakita niya ang pinagagawang bahay na katas umano ng pagiging online seller.

Nalaman ng KAMI na si Kat ang founder ng sikat na skin care product ngayon ang Perfectskin All Naturals.

Kwento ni Kat sa kanyang post, marami umano ang nanghihinayang sa kanya na mga kaibigan at maging mga kaanak dahil sa mas pinili niyang maging online seller.

Read also

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

Online Seller, ipinasilip ang bonggang bahay na katas ng kanyang pinaghirapan
Photo from Kat Liam Lucas Trujillo-Ureta
Source: Facebook

"Sayang si Kat no, naging online seller lang... Yan ang mga salitang parati kong nariring sa mga kaibigan at relatives ko noon," bungad ni Kat sa kanyang post.

Subalit sa kanya ring post makikita ang napakalaking bahay na kanyang ipinatatayo na katas umano ng pagiging isa niyang online seller.

"A 638sqm lot area & 721sqm total floor area situated in a private and guarded subdivision in the heart of Bacolod City," ang laki ng bahay ni Kat ayon pa sa post

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mayroon daw itong pitong bedroom, 7 metres na swimming pool na may jacuzzi, family theatre at garahe kungsaan maaring magparada ng limang kotse.

"60% completion pa lang to, wala pang interiors and pati exterior di pa yan tapos," dagdag pa ni Kat.

Kaya naman payo ni Kat sa kapwa niya na mga online seller, hindi dapat ikahiya ang trabaho sapagkat marami rin silang maaring makamit taliwas sa inakaala ng iba.

Read also

Batang naglalako ng ice candy, hinangaan dahil sa regalong handog para sa ina

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bago pa man pumutok ang pandemya, marami na sa ating mga kababayan ang mas piniling pasukin ang pagnenegosyo lalo na ang online selling.

Sa ganitong paraan, hawak nila ang kanilang oras at para sa mga pamilyadong online seller, hindi na nila kailangan pang iwan ang mga anak ng matagal para magtrabaho.

Bukod pa rito, nakamamangha rin ang mga naipupundar nila mula sa kanilang kita sa pagiging online seller.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica