Batang naglalako ng ice candy, hinangaan dahil sa regalong handog para sa ina
- Nag-viral ang post ng isang Milk Tea store tungkol sa isang batang naging customer nila noong Valentine's Day
- Ikinuwento nila kung paanong sila mismo ay naantig sa pagiging isang mabuting anak ng batang naglalako ng ice candy
- Dahil nga sa Araw ng mga Puso, naisipan kasi ng bata na bigyan ng regalo ang kanyang ina
- Sa tuwa, nagbigay na rin ng freebies ang store sa bata pandagdag sa ibibigay sa kanyang pinakamamahal na "mama"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang post ng milk tea store na Ho Chaya tungkol sa naging customer nila sa Sta. Lucia branch na si "Toto."
Nalaman ng KAMI na naglalako pala ang bata ng ice candy at matapos ang kanyang pagtitinda noong Valentine's day dumiretso siya sa Ho Chaya.
Ayons sa staff ng store, mababakas daw ang pagiging excited ng bata nang pumasok ito para bumili.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ipinaliwanag ng kahera ang promo nila sa araw na iyon na kapag bumili ng dalawa, magkakaroon ng free mug.
"Meron po ba kayong milktea na kasya sa PHP120? Yan lang po kasi ang pera ko," ang nasabi ng bata ng bahagya raw nadismaya.
Pinapili raw ng kahera si Toto ng flavor at ibinigay na rin ang mug kahit isa lang ang binili nito.
Masayang-masaya raw ang bata at sinabing "ireregalo ko po kasi kay mama ito” na lalong ikinatuwa ng staff ng store.
"Ipinost namen ito dahil nag-iwan ito ng malaking marka at kurot sa puso ng mga empleyado ng store... na sana lahat ng kabataan ngayon ay katulad ni Toto," ayon pa sa page ng Ho Chaya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa panahon ng pandemya, tila hindi maiwasan na tumulong na rin ng mga kabataan sa paghahanapbuhay para lamang mayroong makain ang pamilya.
Hindi man ito nararapat, lalo na at sila ay menor de edad pa, nagkukusa na silang tumulong dahil maging sila ay ramdam ang hirap na dala ng pandemya.
Sa kabilang banda, nakatutuwang isipin na sa kanilang murang edad, nalalaman na nila ang pagpapahalaga sa pamilya at pagiging responsable sa buhay tulad na lamang ng ginagawa ng batang si "Toto".
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh