9-anyos na batang lalaki, matiyagang naglalako ng merienda para sa pamilya
- Marami ang bumilib sa siyam na taong gulang na batang naglalako ng merienda
- Ginagawa raw umano niya ito upang makatulong sa kanyang pamilya
- Buntis ang kanyang ina na nagluluto ng kanyang mga paninda habang nasa trabaho naman daw ang kanyang ama
- Ninais ng mga netizens na matulungan ang bata lalo na at nalalapit na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang larawan ng isang batang lalaki na nagpapahinga mula sa kanyang paglalako ng merienda.
Nalaman ng KAMI na ang siyam na taong gulang na batang ito ay si John Banderado na nagtitinda Brgy. Del Remedio, San Pablo City, Laguna.
Ayon sa post ng Manny Pacquiao Public Information System, kuha ang larawan ni Aeron Alcantara na siyang nakakita sa bata noong Setyembre 19.
Kwento ni John, ang kanyang ina ang nagluluto ng kanyang itinitindang merienda.
Buntis daw ito kaya upang makatulong sa mga gastusin, siya na mismo ang naglalakad-lakad para mas dumami pa ang maaring bumili ng kanyang paninda.
Nasa trabaho naman daw ang kanyang ama kaya subalit nais pa rin niyang magtinda pandagdag sa kita ng kanilang pamilya.
Natuwa ang mga netizens sa ipinakitang kasipagan ni John na sana ay pamarisan ng ibang batang katulad niya.
Ang ilan naman ay nais na magparating ng tulong lalo na at nalalpit na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Tama yan ginagawa mo, maaga mong natutuhan kung paano mabuhay. Gawin mo yang inspirasyon para magtagumpay sa buhay"
"Magiingat ka lagi iho,,gabayan ka at ng iyong pamilya ng mahal na Panginoon"
"Sana tularan ka ng ibang kabataang wala nang inintindi kundi ang mag-gadget, maswerte sayo ang mga magulang mo"
"Kung malapit ka lang sa amin, nadalhan na kita ng tulong, sana mayroong mabuting kalooban na tumulong sa inyong pamilya"
"Bata pa lang responsable na. Kita mo talaga ang batang maayos na napalaki ng mga magulang"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakakataba ng pusong malaman na may mga batang sa murang edad, marunong na silang tumulong at magbigay halaga sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.
Tulad ng isang batang dala-dalawa ang hanapbuhay dahil sa parehong may sakit ang kanyang mga magulang.
Wala raw silang ibang maaasahan kundi siya gayung kinakailangan nila ng pambili ng makakain at gamot ng mga magulang.
Gayundin ang isang batang naglalako naman ng kabute sa gilid ng kalsada. Tulad ni John, kusang loob niya itong ginagawa para makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya ngayong pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh