Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens
- Viral ang larawan ng magkapatid na bumili ng ipangreregalo sa kanilang inang nagdiriwang ng kaarawan
- Pumunta umano sa ukay-ukay ang dalawa at naantig ang tindera nang malamang para sa ina ang bibilhin ng dalawa
- Sa halagang P100, nakabili sila ng damit para sa kanilang ina na marahil ay masayang masaya sa handog ng kanyang mga anak
- Marami ring netizens ang natuwa sa 'sweetness' ng magkapatid na ito na sana raw ay pamarisan ng mga kabataang tulad nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw pansin sa social media ang dalawang batang lalaki na nagpunta sa isang ukay-ukay at agad na dumiretso sa mga damit na pambabae.
Kuwento ni Sarah Alexandrea Daculap na siyang nagbahagi ng post, nagtaka raw siya kung bakit sa pambabae nagtungo ang dalawa gayung mga lalaki naman ang mga ito.
Nang kanya itong inusisa, nalaman ni Sarah na hindi pala para sa mga bata ang kanilang tinitingnan.
"Para po sa mama namin! Birthday nya po ksi ngayon," sagot umano ng mga bata sa kanya.
Natuwa si Sarah sa sweetness ng dalawang ito na nakapili ng isang bestida para sa kanilang ina.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Mapapansin din na nagkakahalaga lamang ito ng P100 subalit tiyak na makapagbibigay ng kasiyahan sa kanilang ina.
Kahit naka-mask, mababakas ang excitement sa mga bata at nakapili na sila ng regalo sa kanilang ina.
Maging ang mga netizens ay natunaw ang puso sa ginawa na ito ng mga bata na mahal na mahal ang kanilang inang nais nilang mapasaya sa kanyang kaarawan.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Napalaki sila ng maayos ng Mama nila. Nakakatuwa."
"Naiyak nman ako.. Ang sweet nman ng mga batang yan"
"Nai-imagine ku agad reaction ng mama nila"
"This story made my Day!"
"Sana tularan sila ng ibang mga bata sa pagmamahal nila sa kanilang mama"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
May mga anak talaga na sa kanilang murang edad at murang kaisipan ay namumutawi pa rin ang pagmamahal sa paglilingkod sa kanilang mga magulang.
Tulad na lamang ng batang nagsumikap na magkaroon ng dalawang hanapabuhay dahil sa parehong may karamdaman ang kanyang mga magulang at wala na silang ibang inaasahan.
Gayundin ang batang naisipang magtinda ng kabute ngayong pandemya dahil ramdam na raw niya ang hirap na dinaranas ng kanilang mga magulang para lamang maitawid ang pangaraw-araw nilang gastusin.
Kahanga-hanga ang mga batang ito na lalaking mga responsable at mapagmahal sa kanilang mga pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh