Mga pulis sa CamSur, pinakyaw ang paninda ng batang naglalako sa gilid ng kalsada
- Hinangaan ang mga pulis sa Camarines Sur dahil sa pagmamalasakit nila sa isang batang babae na naglalako sa gilid ng kalsada
- Nakita mismo ng netizen na tutulong din sana sa bata kung paano pinakyaw ng mga pulis ang tindang gulay nito
- Hinatid pa umano ng mga pulis ang bata upang masiguro nilang maayos itong makauwi
- Umani rin ng papuri mula sa mga netizens ang mga pulis at sana raw ay pamarisan pa sila ng marami sa kabutihang kanilang ginawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nasaksihan ng netizen na si Rolyn Garbo ang kabutihang ipinakita ng mga pulis sa Camarines Sur sa batang naglalako sa gilid ng kalsada sa Barangay Binanuaanan.
Nalaman ng KAMI na maging si Rolyn ay nais tumulong sa batang babae na matiyagang nakaupo sa gilid ng kalsada maibenta lamang ang panindang sitaw.
Ngunit nang kanilang balikan ang bata, naroon na ang mga pulis na namamakyaw ng paninda nito.
"Babalikan sana namin nang makita namin ang mag pulis na ito na pinakyaw lahat ng paninda ng bata sa lugar at pinaalalahanan sa seguridad lalo at menor de edad at babae ang bata na nasa tabing kalsada at walang kabahay bahay," kwento ni Rolyn sa kanyang post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Lalong humanga si Rolyn sa mga pulis dahil matapos na pakyawin ng mga ito ang paninda ng batang babae ay hinatid pa nila ito upang masiguro na maayos itong makauwi.
Umani rin ng papuri mula sa mga netizens ang mga pulis dahil sa busilak nilang puso at pagmamalasakit sa batang babae.
Sana raw ay pamarisan ng marami ang mabuting ginawa ng mga pulis lalong lalo na sa panahong ramdam ng bawat isa ang krisis na dala ng COVID-19.
Bagaman at bawal lumabas ang mga bata, napilitan marahil ang bata na maglako upang makatulong sa kanyang pamilya na marahil ay lalong naghihikahos dala ng pandemya.
Nakakataba ng puso na malaman na umiiral ang pagtutulungan sa mga panahong dumaranas ng matinding krisis ang bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sadyang likas na matulungin ang mga Pilipino at maawin sa mga bata na sa murang edad ay natututo nang magbanat ng buto dala ng kahirapan.
Ang ilang bata naman, nagagawang maghanapbuhay upang kusang-loob na makatulong sa kanilang pamilya.
Sila man ay bata sa ating paningin, minsan, nauunawaan na nila ang kanilang kalagayan at sitwasyon kaya naman ang iba sa kanila'y nakakaisip na ng paraan upang makapagbanat ng buto at makadagdag sa panggastos ng kanilang mag-anak.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh