Hanep sa diskarte! Online Seller, nakapagpundar na ng bahay at mga sasakyan sa loob lang ng 5 taon
- Binahagi ng online seller ang nakamamanghang kwento niya kung paano niya napalago ang kanyang negosyo sa loob lamang ng limang taon
- Nakakabilib si Heidee Sibayan at ang kanyang mister na dahil sa matinding pagsusumikap at determinasyon para mapalago ang negosyo, talgang dugo't pawis ang nilaan para mapaganda ang takbo ng kanilang buhay
- Dahil sa maayos na sistema nila sa kanilang negosyo, nakapagpundar sila ng magandang bahay, personal na sasakyan at sasakyan na magagamit nila sa kanilang trabaho
Nakakabilib talaga ang diskarte ni Heidee Sibayan, isang online seller na talaga naman nagsumigasig na panindigan ang kanyang negosyo at palaguiin pa ito.
Nalaman ng KAMI na isa si Heidee sa mga nakipagsapalaran sa pagbubukas ng negosyo online at di naman siya nabigo.
Dahil sa matinding sikap, napauwi niya ang kanyang asawa na noo ay nag-aabroad para sila nang dalawa mismo ang tumutok sa kanilang negosyo.
Bagaman at maayos ang pasok ang pera mula sa online business, di parin tumigil si Heidee at kanyang mister na palaguin pa ang kanilang negosyo.
Pinasok rin nila ang pagbubukas mismo ng aktwal na tindahan sa Divisoria na umabot sa 4 na stalls.
Dahil sa di mapigilang pag-asenso, nakapagpundar sila ng napakagandang bahay, mga sasakyan na talaga namang katas ng kanilang paghihirap.
Narito ang kabuuan ng kwento ng tagumpay ni Heidee na binahagi sa KAMI.
Napakarami na talagang nag oonline Selling ngayon.Nakakatuwa kasi jan din naman ako nag umpisa.At hanggang ngayon Online Selling pa din yung pinagkakakitaan namin.Eto yung dahilan kung bakit ngayon ay natupad ko na lahat ng Pangarap namin mag asawa.Naisip ko din paano kaya kung di nauso ang Online Selling ano kaya yung pinagkakakitaan namin ngayon.
Andon pa kaya kami sa dati naming bahay na masikip,Ang asawa ko kaya ay pabalik balik nalang sa abroad para magtrabaho.Malaking tulong talaga nung mauso ang Online Selling dahil karamihan talaga sa mga Pilipino ay empleyado.Pero ngayon sobrang dami na ang nakaroon ng extra income dahil sa pag oonline.Kaya kung ikaw ay nasa bahay lang o isa kang empleyado bakit dimo subukan ang ginagawa namin.
Isa ako sa magpapatotoo na kikita ka sa pag oonline business.Marami na din akong kakilala na umasenso dahil sa pag oonline business.Kagaya nila ginawa ko lang kung ano ung ginawa nila.Nakakalungkot lang yung iba na nakakausap ko madami kasi talagang nagppm sa akin kung ano ba daw ang magandang Business ang sagot ko naman mag online business ka.Pero di naman nila ginagawa.Malaking bagay sa amin ang pagbebenta sa Online.Dahil ito ang dahilan kung bakit kami umasenso sa buhay.Kaya ung mga nag uumpisa palang magbenta o nagbebenta na sa online ipagpatuloy nyo lang yan.Kung gusto mo na maging kagaya namin gayahin mo kung ano yung ginawa namin.
Pinost ko ito para maraming mainspire at lalong magpursige ang mga kumikita sa Online na nag uumpisa palang o matagal ng nag oonline selling.Naalala ko taong 2013 nung manganak ako sa bunso kong si Xian. Feb 2013 nung pinanganak ko sya.Nagresign nako non sa trabaho kasi nga walang mag aalaga sa kanya at the same time hindi na din ako masaya sa trabaho ko non kasi paulit ulit lang din naman ang nangyayari.Maghapon akong ngtratrabaho magkano lang sa isang araw ang sweswelduhin ko. 300plus sa isang araw tpos minsan mag oovertime pero thank you lang walang bayad.Ganun tlg kapag empleyado ka umaasa ka lang sa sweldo mo kinsenas katapusan.Mabuti nalang nung habang nagtratrabaho ako sa Epza kung ano ano na din ang tinda ko lumuluwas na din ako sa Dv non pero hindi pa uso ang online selling non.
Bumibili ako ng mga Bag Damit acsesories para itinda sa mga kasamahan ko sa trabaho. Pero ang payment 2 gives it means 1 month to pay. Kahit 100 pesos lang ang halaga ng items 2 gives pa nila un bbyaran. Ganun ang mindset ng isang empleyado dahil nga naman kinsenas at katapusan ang sweldo.Kada breaktime namin wala naman akong ginawa kundi mg alok ng paninda ko.Iniikot ko pa minsan ang buong production. Hanggang sa pinagbawal na ang pagtitinda sa loob ng company namin.Kung tutuusin bawal. nmn tlg. magtinda kami lang tlg ang matitigas ang ulo.Nung pinagbawal ang pagtitinda.Kaya mula noon ang ginawa ko ngrepack nalang ako ng mani at sampaloc at un ang itininda ko. tinatago ko nalang para di masita ng Guard. Nakakalusot naman kahit papano. Oct 2013 nung mag umpisa ako mag online selling. At dahil nga nasa Korea non ang asawa ko tapos ako naman nasa bahay nalang nag aalaga sa mga anak ko.So nung natuto akong mag online business nagkaroon naman agad ako ng resellers hanggang sa dumami na sila.Madali lang naman eh post ka lang ng post ng paninda mo sa online habang nag fafacebook ka. Mag isa lang ako noon na pumupunta sa supplier kapag kukunin ko na ang mga orders ng mga reseller ko. Sobrang bigat ng dala ko pero kinakaya ko kahit sumasakit na yung likod ko kakabuhat ng mga dala ko.
Tapos pag uwi sa bahay aayusin ko pa ung mga pinamili ko Tapos ishiship ko. Paulit ulit lang pero masaya ako sa ginagawa ko.Hanggang sa napauwi na ang asawa ko hindi nya na natapos ang kontrata nya sa Korea. Hindi ko na sya pinabalik ng Korea.Tinulungan nya nalang ako sa Online Business ko.Weekly kami lumuluwas sa divisoria para kunin ang mga items namin.So naiipon na un kay supplier dahil pinapareserve na namin un. Nung mga panahon na yon wala pa kaming sasakyan kaya nagcocommute lang kami.Minsan ayw kaming pasakayin sa bus dahil sa dami ng dala namin. Kasi nga sobrang dami na talaga kaya napaisip na din ako non na bumili na ng sasakyan kahit 2nd hand lang.Kahit papano naman may kaunti kaming ipon dahil nga nag korea si mister at yun ang pinambili namin ng sasakyan.Bumili kamo ng 2nd hand na sasakyan Nung nakabili kami ng sasakyan mas dumami yung items namin na pinipick up kay supplier mas dumami pa ang reseller namin sa online.Pero may mga timed tlg na nasisiraan kami.Maraming beses pero nagtiyaga kami kasi kailangan namin ng sasakyan.
Paulit ulit lang yung gingawa nming mag asawa.Weekly pupunta kay supplier tpos pagdating sa bahay magpapahinga kasi gabi na halos kami nakakauwi.Kinabukasan.gigising ng maaga para ayusin mga orders then after lunch pupunta na si. Hubby sa Jrs para magpaship. Ako naman maiiwan kasi kasi inaayos ko naman ang mga imemeet up nya sa Puregold Tanza.Pagbalik ni hubby isasakay naman nya sa sasakyan ung mga items dati sa motor lang nya nilalagay ang mga items pinagkakasya nya at kinakaya nyang dalhin pero nung makabili kami ng 2nd hand n sasakyan lahat kasya na don. Si hubby ang nakikipagmeet up sa mga buyer ko kasi nga halos pagod na pagod na din ako sa maghapon mg pag aayos ko ng mga orders nila.Karamihan sa mga resellers namin babae tlg.
Hindi sya nahihiya basta mg aantay lang sya sa Puregold Tanza at lalapit na sa kanya ang mga Resellers namin na kameet up nya. Paulit ulit lang ang nagyayari. Pero masaya at dito kami kumikita. Ito lang halos ung pinagkakakitaan nmin ng 1 taon na wala kaming trabaho pareho.Hanggang sa natutunan ko kung paano mag supply ng mga damit sa mga chinese.Nagphophotoshoot ako tapos pinapakita ko sa kanila ang mga Photoshoot ko. Nung una hindi ganung kadali na mag alok sa kanila. Kaya ang mga una kong inalok. ung mga Supplier ko. na. chinese dahil kaclose ko sila.
Merong tumatanggi talaga.Pero meron naman nagtiwala.Medyo mahirap sa umpisa pero naging positive lang ako. May pagkakataon na tlgng nirereject ka nila pero hindi ako tumigil.Habang ngsusupply ako sa knila dipa din ako tumigil sa pag oonline ko. tuloy pa din ang post ko sa online.Pero naisip ko na gusto kong tutukan muna ang pgdedeliver ko sa Chinese. Kailangan mag focus muna ako sa isa.
Kya noon kinausap ko ang asawa ko na iwanan muna ang Online. Hindi sya pumayag kasi kumikita kami. don. Pero sabi ko sa kanya kailangan tutukan ko muna ang isa.Kasi ganun tlaga kung gusto mong lumago ang business mo ang unang una mong gagawin tutukan mo mag focus ka..Kasi kung dimo. tututukan ang negosyo mo hindi yan lalago. Hanggang sa Biglang nag boom ang JXC sa divisoria na halos ung dating tumatanggi sa akin sila na ung lumalapit para magpa supply sa akin ng damit. Noon kinailangan ko ng malaking puhunan dahil nga sa dami na ng ngpapasupply ng damit sa akin.
Pumayag ang asawa ko na iwan ko ang online selling. Nagpost ako non sa Fb ko na icoclose ko muna ang Online ko. Nalungkot sila dahil nga inisip nila kung kanino na sila kukuha ng items.Mahirap din para sa akin na gawin yon. Pero kailangan kong mag expand. Ayoko ng ganun lang may mas maganda pang mangyayari kung tututukan ko ang pagdedeliver sa Chinese.Nung una ako palang ang nagmomodel ng mga damit at nakikihiram pa ako non sa kaibigan ko ng camera.Di naglaon nakabili din naman ako ng Camera tapos si hubby ang photographer ko. Medyo mahirap para sa akin kasi di naman ako model.
Talagang kailangan lang kasi wala naman kaming pmbayad sa model.Kung saan saan. kaming lugar napunta humhanap ng mgndng view para magshoot.Nakakapagod din kasi. after shoot mag eedit pa ako. Kaya noon. naisipan ko din na kumuha nalang ng model. Kesa naman ako ganito na sobrang napapagod ako. Pagod na nga sa pagkuha ng stocks dhil madaling araw nasa byahe na kami tpos diretso pa sa divisoria magdedeliver maghapon kami don tpos gabi na nakakauwi ng bahay kinabukasan photoshoot pa. Kaya hindi na din kinaya ng powers ko.Kumuha na kami ng model namin.Nung mga time na yon biglang nag boom ang JIXI sa divisoria.
Ung mga Chinese na dati tinatanggihan ako lumalapit na. sila sa akin at nagpapasupply. Halos 2 days lang sold out na ung mga deliver ko sa knila. Kya ang bilis din namin nakaipon non. Nung mga time na un kinailangan namin ng malaking puhunan buti nalang mabait ang Diyos meron kaming nalapitan.Dahil nga hindi na biro ang mga orders nila sa akin.May mga pagsubok din kaming dinanas bago kami nagtagumpay sa negosyo. Pero isa sa pinagmamalaki ko na umasenso kami ng wala kaming tinatapakan o inaagrabyadong tao.Lahat ng pagod at puyat naming mag asawa na halos magdadrive pa sya ng walang tulog at puyat na puyat.Tapos dahil nga wala pa kaming mga tauhan non siya pa ang magbubuhat at magdedeliver sa mga chinese.
Ang sarap umasenso sa buhay na talagang alam mo na pinaghirapan mo lahat ng bagay na hindi sa isang iglap kikita ka agad agad ng malaki ng walang kahirap hirap.Nung nagboom na ang JXC sa divisoria binuksan ko na ulit ang Online ko nagpost na ulit ako ng mga paninda. At nakakatuwa naman na kahit ilang buwan na nakaclose ang Online ko pag Open ko ulit andon pa din ang mga resellers ko.2013 to 2018 eto na lahat yung nagawa sa akin ng Online Selling 5 years ko sa pag oonline lahat ng mga Pangarap naming mag asawa unti unti naming natupad. Ang sikreto ng tagumpay namin "Commit to the Lord whatever you do, and your plans will succeed’ (Proverbs 16:3),
Lahat ng bagay ay galing sa Diyos kung ikaw ay may sipag at tiyaga pero hindi kapa din umaasenso baka may kulang sayo.At ang isa pang sikreto ng tagumpay ay kung sino yung mga taong tumulong sau at gumawa sayo ng kabutihan ay ibalik mo din sa kanila ay kabutihan at pagpapala.At lagi mong tatandaan hindi lahat ng tao masaya para sa tagumpay mo dahil ang iba jan inaantay kang bumagsak. But if God is for us, who can be against us?” (Romans 8:31)..
Let’s find out what will people see in this picture first. Will those who claim they don’t see lovers be able to give us the exact number of dolphins? Philippines What Do You See Challenge: What Do You See In a Bottle? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh