Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon
- Makalipas ang isang taon buhat nang mag-lockdown sa Metro Manila, namamalimos pa rin ang jeepney diver na si Alberto Manuel Jr.
- Isa siya sa mga jeepney driver na nawalan noon ng trabaho buhat nang mag-pandemya
- Ngayong nakabalik pasada na ang ilan, nanatili si Tatay Alberto sa "pagkakalog"
- Nasa ₱400 hanggang ₱700 ang nalilikom niyang halaga sa isang araw, sapat na para siya ay makakain sa maghapon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang taon na halos buhat nang malagay sa enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa partikular na ang Metro Manila.
Ito ay dahil patuloy na pagkalat ng COVID-19 kaya napagdesisyunan na ng pangulo at pamahalaan na apulahan na ang paglaganap ng virus.
Dahil dito, apektado ang mga hanapbuhay ng bawat mamamayan kabilang na ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan dahil sa tigil pasada.
Nalaman ng KAMI na isa na rito ang noo'y 76-anyos na si Alberto Manuel Jr. na limang dekada nang namamasada at ito na ang kanya talagang ikinabubuhay.
Dahil dito, wala ring pinagkakitaan noon si Tatay Alberto kaya naman isa siya sa mga naglakas loob na mamalimos sa kalsada.
Noong nakaraang taon, nang makaluwag-luwag na sa community quarantine, araw-araw nang "nagkakalog" si Tatay Alberto sa kalsada ayon sa Yahoo Philippines.
Dahil hindi pa rin noon makapasada, tanging ang paghingi sa mga dumaraan ang kanilang pinagkukunan ng pambili ng makakain sa araw-araw.
At ngayong halos isang taon na ang dumaan, aminado si Tatay alberto na patuloy pa rin siyang nagkakalog si Tatay Alberto.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa panayam sa kanya nina Josiah Antonio at Jonathan Cellona ng ABS-CBN News, naikwento ni Tatay Alberto na tila mas maayos pa ang nalilimos niya sa "pagkakalog" kaysa sa mga namamasada sa ngayon.
"Sabi nila mahina raw biyahe ngayon kako kumikita ako ng P400 o P700 simula P10 a.m. hanggang 5 p.m. May isang matanda roon hindi makaboundary kaya ginawa nung may-ari hindi na siya pinagmaneho," pahayag ng dating tsuper.
Marami na rin umano siyang natanggap na tulong mula sa mga nagmalasakit na netizens na nakakita noon ng kanyang viral post.
Sa ngayon, nakakuha na rin siya ng mauupahang lugar sa halagang ₱2,000. Matatandaang noong nakaraang taon ay sa jeep na rin na kanyang pinapasada siya tumutuloy.
Balo na si Tatay Alberto. Kahit kinukuha na siya ng kanyang 29-anyos na anak na nasa Bulacan, mas pinili pa rin niyang mamuhay na mag-isa dahil ito na raw ang kanyang nakasanayan.
At dahil sa marami pa rin ang tumutulong sa kanya sa pagkakalog, marahil ipagpapatuloy pa rin niya ito hangga't kaya pa niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Libo-libong jeepney driver ang naapektuhan ng tigil-pasada buhay nang mag-pandemya. Ang masaklap, mayroon pa sa kanilang nakulong dahil sa pag-aakalang sila ay nagpoprotesta ngunit paliwanag nila'y nanghihingi lamang sila ng tulong.
Isa rito ang 72-anyos na si Tatay Elmer Cordero na kasama umano sa Piston 6 na inakusahang nagprotesta sa EDSA Caloocan.
Makalipas ang ilang buwan, may nagmalasakit na patayuan ng sari-sari store si Tatay Elmer upang hindi na ito mapagod sa pamamasada.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh