Tsuper, emosyonal na nagbahagi ng hirap na pinagdadaanan sa gitna ng pandemya
- Hindi napigilang maluha ang isang tsuper habang inilalabas ang saloobin kaugnay sa hirap na kanilang dinaranas sa panahon ng pandemya
- Tinawag niya rin ang pansin ng mga kinauukulan na sana ay maging pantay umano ang pagtingin nila sa mga tao
- Inamin niyang umaasa na lamang sa ayuda ang kagaya nilang hindi makapaghanap-buhay sa kasalukuyan
- Pagsasalaysay niya pa, wala pa rin silang natatanggap at nabibitin pa umano ang ayuda mula sa gobyerno
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi napigilang maluha ng tsuper na si Mang Gil habang ibinabahagi ang kanyang saloobin hinggil sa hirap na dinadanas nila sa gitna ng pandemya.
Halos hindi na siya makapagsalita habang ikinukwento niya ang hirap ng kagaya niyang tsuper na hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.
Sa panayam ng Kapamilya reporter na si Isay Reyes, makikitang panay ang paghingi ng paumanhin ni Mang Gil dahil sa hindi nito mapigilang maluha.
“Hindi kami makapaghanapbuhay, nabibitin pa ang ayuda, nasaan na ang puso nila?” aniya habang pilit na nilalabanan ang emosyon.
Marami naman ang naantig sa naging pahayag ng nasabing tsuper:
Grabeh! Ang sakit panoorin ng mga kababayan nating pilit pinagkakaitan ng hanapbuhay sa panahong walang konkretong plano at supportang matino galing sa pamahalaan habang naka leave ang mga magnanakaw sa PhilHealth. Nakakagalit! Everyday na lng galit!
Tapos e extend pa yung mecq? Kahit ayuda nga d pa mabigyan lahat! Hirap na nga mga tao, d ba nila nakita or bulagan nalang tayo dito?
Pag wala kang naramdaman habang pinapanuod mo ito, may mali sayo
Ang mga jeepney drivers ang kabilang sa pinaka apektado ng ipinatupad na lockdown bunsod ng pandemya. Bukod sa hindi sila makapamasada dahil sa ipinagbawal ito, marami sa kanila ang dumadaing na wala pa rin umano silang natatanggap na ayuda.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa katunayan, isang 64 anyos na jeepney driver ang nanghingi na lamang ng limos sa loob ng isang buwan upang may pambili ng kanyang makakakain.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Gayunpaman, mayroon ding mga tsuper na nabigyan ng bagong pag-asa matapos mabigyan ng trabaho bilang taga-deliver ng mga package na inoorder online.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh