Ivana Alawi, naantig ang puso at napaiyak sa kabaitan ng mga Pinoy sa kanyang prank

Ivana Alawi, naantig ang puso at napaiyak sa kabaitan ng mga Pinoy sa kanyang prank

- Marami ang naantig ang puso sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi na ipinalabas niya ngayong Marso 14

- Nagpanggap si Ivana na namamalimos para makauwi na raw siya ng Baguio City

- Mayroong mga nagtaboy at hindi nagbigay pero tila mas marami pa rin ang nagmalasakit na abutan siya ng tulong

- Ang lahat ng nag-aabot sa kanya ng tulong ay tinutumbasan niya ng "x1000" bilang gantimpala sa kabutihan ng mga ito

- Naiyak talaga si Ivana dahil sa dami ng mga Pinoy na may mabubuting puso kahit sila mismo ay naghihikahos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napahagulhol talaga sa pag-iyak si Ivana Alawi sa bagong vlog niya na ipinalabas sa kanyang YouTube channel ngayong Marso 14.

Nalaman ng KAMI na nagpanggap si Ivana na namamalimos para makauwi na kunwari sa Baguio City.

Ang lahat ng tutulong sa kanya, tutumbasan niya ng "x1000" para maibalik ang kabutihang ipinakita nito sa tulad ni Ivana na kungwaring nangangailangan.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Ivana Alawi, naantig ang puso at napaiyak sa kabaitan ng mga Pinoy sa kanyang prank
Ivana Alawi (Photo from Ivana Alawi)
Source: Instagram

Bagaman at may ilang hindi nagbigay sa kanya, mas marami pa rin ang nagmalasakit na tumulong kahit sa kaunting halagang makakaya nila.

Kaya naman nagugulat sila na si Ivana pala ang nagpapanggap na nanlilimos at pinapalitan ng mas malaking halaga ang kanilang ibinibigay.

Mayroon pa ngang nagbigay sa kanya ng pagkain kaya binibigyan pa rin niya ng "gantimpala."

Ngunit ang hindi makakalimutan ni Ivan ay ang 58-anyos na naglalako ng puto kutsinta.

Maayos itong nakipag-usap sa kanya at nagbigay sa kanya ng Php20.

Inalok pa siya nitong kumain ng kutsinta hanggang sa nakipagkwentuhan na ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bibilhan pa sana siya nito ng softdrinks o bottled water para raw may inumin si Ivana habang kumakain.

Doon, hindi na napigilan ng aktres na maluha at talagang mapahagulhol sa pag-iyak habang inaabot ang Php20,000 na tulong niya ng naglalako ng puto at kutsinta.

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Naluha rin ang tindero na hindi akalain na magkakaroon siya ng malaking halaga ng pera dahil lamang sa simpleng pagtulong niya sa kapwa.

Makakabili na raw siya ng bisikletang may side car para sa kanyang paglalako dahil sa biyayang bigay sa kanya ni Ivana.

At dahil labis na naantig ang puso ng aktres, ipahahanap muli niya ang naglalako na si Tatay Joselito Martinez upang mabigyan pa muli ng mas marami pang tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11.6 million ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

Sa kanyang pagdiwang ng pagkakaroon ng 10 milyong subscribers, namahagi si Ivana ng biyaya sa mga nangangailangan.

Isa din siya sa mga YouTube content creators na aktibong namigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at pagbaha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel