Ivana Alawi, namahagi ng biyaya nang maabot ang 10 million subscribers sa YouTube

Ivana Alawi, namahagi ng biyaya nang maabot ang 10 million subscribers sa YouTube

- Imbis na magkaroon ng magarbong handaan, minabuti ni Ivana Alawi na mamahagi ng biyaya sa mga taong kapos-palad nang umabot na sa 10 million ang subscribers niya sa YouTube

- Minabuti niyang ipamili ng mga pamasko ang mga kababayan nating siguradong walang maihahanda ngayong kapaskuhan

- Mamimigay din siya ng scholarship sa sampung mapipili niyang subscribers upang matustusan nito ang 2-year BS course sa kolehiyo

- Ipinaghanda naman siya ng kanyang mga kapati ng simpleng selebrasyon kung saan inihain nila ang ilan sa mga paboritong pagkain ni Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa mahigit 10 million ang subscribers ng vlogger at actress na si Ivana Alawi.

Ngayong Disyembre 13, ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel ang naisip niyang gawin upang maipagdiwang ang naabot na tagumpay sa pagiging content creator.

Nalaman ng KAMI na ayaw umano ni Ivana ng magarbong selebrasyon at mas gugustuhin pa umano niyang mamahagi ng biyaya sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Ivana Alawi, namahagi ng biyaya nang maabot ang 10 million subscribers sa YouTube
Mahigit 10 million na ang subscribers ni Ivana Alawi sa YouTube channel niya Screengrab from Ivana Alawi's vlog
Source: UGC

"Ayaw ko talaga gumastos ng malaki sa celebration kung pwede naman nating itulong sa mga taong nangangailangan ngayon," pahayag ni Ivana.

Madalas daw kasi sa mga YouTuber na nakaaabot ng ganito karaming mga subscribers ay gumagawa ng bonggang gimik na may kaugnayan sa 10 million.

Ngunit si Ivana, nag-grocery ng mga food baskets, fruits, mamahaling mga chocolates at iba pang masasarap na pagkain para mapasaya ang ilang sa mga kababayan nating nananatili lamang sa lansangan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinili ito ni Ivana upang maramdaman naman ng kanyang mga tutulungan ang kasaganaan ngayong Kapaskuhan.

Bukod pa rito, ilang masuwerteng subscribers niya ang makatatanggap naman ng scholarship sa kolehiyo.

Samantala, kahit pa ayaw ni Ivana ng selebrasyon, isang simpleng pananghalian naman ang inihanda ng kanyang mga kapatid para sa kanya. Sa ganoong bagay daw ay masaya na ang aktres lalo pa at mga paboritong pagkain ang inihain ng kanyang mga kapatid para sa kanya.

Read also

Dating child star na si Maybelyn Dela Cruz, tinamaan ng COVID

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang Ivana Alawi YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay isang Filipina actress na minsan na nating napanood sa ilang teleserye sa Kapamilya network. Isa rin siya sa mga maituturing na popular at matagumpay na YouTuber sa bansa.

Kamakailan ay nagsadya si Ivana sa ilang mga lugar na nasalanta ng Bagyong Ulysses upang personal na maibigay ang kanyang tulong.

Hinangaan din lalo ng marami ang aktres dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang ina at mga kapatid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel