Ivana Alawi, nagtungo naman sa Oriental Mindoro upang mamahagi muli ng tulong

Ivana Alawi, nagtungo naman sa Oriental Mindoro upang mamahagi muli ng tulong

- Namataan naman sa Oriental Mindoro si Ivana Alawi upang mamahagi pa rin ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses nitong nakaraang Linggo

- Una na siyang nagtungo sa Isabela at Cagayan kung saan marami sa ating mga kababayan ang nalubog ang mga tahanan sa matinding pagbaha

- Mga pagkain at tubig ang pawang ipinamamahagi ni Ivana dahil sa marami sa ating mga kababayan doon ang nakararanas ng gutom dahil hindi agad na nakararating ang mga relief goods sa kanilang lugar

- Humanga lalo ang marami sa ginagawa na ito ng vlogger na nagagawang magbahagi ng biyayang kanyang tinatamasa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ivana Alawi, nagtungo naman sa Oriental Mindoro upang mamahagi muli ng tulong

Photo from Ivana Alawi's Facebook
Source: Instagram

Namataan sa Oriental Mindoro ang aktres at YouTuber na si Ivana Alawi na muli na namang mamahagi ng tulong.

Nakunan ng video ang mismong paglapag ng grupo nina Ivana sa Mindoro na ibinahagi ng Viral and Trending.

Ivana Alawi, sumadya sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng relief goods

Nalaman ng KAMI na ngayong Nobyembre 19, sumadya mismo si Ivana sa Brgy. Brigada Mansalay, Oriental Mindoro upang maghatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Matatandaang una nang bumisita si Ivana sa Isabela at Cagayan noong Nobyembre 17. Sako-sakong mga bigas, iba pang pagkain at tubig ang hatid ni Ivana na labis na ipinagpapasalamat ng ating mga kababayang nakaranas ng gutom sa kasagsagan ni "Ulysses."

Dahil dito, mas dumami pa lalo ang humanga sa aktres dahil likas sa kanya ang pagiging matulungin at mapagmalasakit sa kapwa.

Ngayong pandemya, isa si Ivana sa mga namahagi ng tulong sa ating mga frontliners na siyang buwis-buhay na rumeresponde sa mga COVID-19 patients.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay isang modelo, aktres at singer sa bansa. Isa rin siya sa mga popular na YouTuber sa Pilipinas na may 9.9 million subscribers na.

Lalaking nadapa kakahabol sa ipinamimigay na relief goods, dinagsa ng tulong

Di lamang ang mga kababayan nating hirap sa buhay ang natutulungan ni Ivana.

Dalawang buwan ang nakararaan, nang tuparin ni Ivana ang hiling sana ng yumaong YouTube Star na si Lloyd Cadena na mag-buswash sana sila.

Kahit pumanaw na ang vlogger, tinuloy pa rin ni Ivana ang sana'y collaboration nila at lahat pa ng kita ng naturang video ay ibibigay niya sa naiwang pamilya ni "Kween LC."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel