Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

- Viral ang post ng netizen na si Kassy Pineda-Alba tungkol sa kung paano sila nakaranas ng mga "anghel" sa kalsada

- Masasabing nanganib na ang buhay ng anak niya noon na nilalabasan na ng dugo mula sa mga gilagid nito

- Kahit pa rush hour, may mga nagmalasakit na motorista na mapadaan sila upang mas makarating agad sila sa ospital

- Hindi malilimutan ni Kassy kung paano ang mga taong hindi niya kilala ay nagmalasakit na padaanin sila para maisalba ang buhay ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tagos sa puso at talagang nakamamangha ang viral post ng ina na si Kassy Pineda-Alba sa kung paano ang mga binansagan niyang "Angels on the road" ay naisalba ang buhay ng kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na naganap ito noong umaga ng Nobyembre 27 ng nakaraang taon 2020. Papasok sana ng trabaho si Kassy nang makita na puno ng dugo ang anak na si Pia.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Hindi na maampat ang pagdurugo na nagmumula sa gilagid ng bata. Dahil dito, nagdesisyon na si Kassy at ang kanyang mister na agad na isisugod ang kanilang anak sa ospital.

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak
Photo from Kassy Pineda-Alba
Source: Facebook

Ngunit dahil sa rush hour, hindi maiiwasan ang traffic na lalong dumagdag sa pangamba ng mag-asawa para sa kanilang anak.

Kaya naman naisipan nilang i-hazard na ang kanilang sasakyan sa pagbabaka-sakaling mapagbibigyan sila ng mga motorista na makadaan lalo na at walang tigil na sa pagdurugo ang kanilang anak.

Hindi nagtagal, isang motorcycle rider ang sumenyas sa kanila para sila ay matulungang makalusot sa traffic.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagbigay daan naman ang iba pang motorista na nakisama sa kanilang sitwasyon.

Ito ang naging daan para agad silang makarating sa ospital at mabigyan ng karampatang lunas ang kanilang anak na si Pia.

"But if it weren’t for the angels on the road, we may have lost Pia then and there," pahayag pa ni Kassy sa kanyang post na puno ng emosyon at kapupulutan talaga ng aral.

Read also

Ivana Alawi, naantig ang puso at napaiyak sa kabaitan ng mga Pinoy sa kanyang prank

Bagaman at noon din nila nalamang may leukemia ang kanilang anak, malaki pa rin ang pasasalamat nila sa mga taong naituring nilang anghel na nagbigay daan sa kanila para madugtungan pa ang nanganganib nang buhay ng kanilang anak noong oras na iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng mga dinaranas natin dala man ng pandemya o ng iba pang mga pagsubok sa buhay, may mga taong tila naipadala sa atin upang magsilbing "anghel" na nagbibigay ng pag-asa sa araw-araw.

Tulad na lamang ng isang pamilya na nagwagi sa pa-contest na Raffy Tulfo sa programa niyang 'Idol in Action'. Hindi noon alam ng host na ang pamilya palang nanalo ay may anak na mayroong stage 3 cancer. Dahil dito, mas lalo pa silang nabigyan ng tulong ni Tulfo hanggang sa pagpapagamot na ng kanilang anak sa Maynila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica