Batang nakaligtas sa COVID-19, naging stage 4 naman ang cancer

Batang nakaligtas sa COVID-19, naging stage 4 naman ang cancer

- Nakaligtas sa COVID-19 ang isang dumayo pa ng Maynila ang pamilya upang mapagamot ang kanyang cancer

- Subalit kahit na nagnegatibo sa COVID-19, naging stage 4 na ang dating stage 3 na cancer ng bata

- P50,000 muna ang kinuha ng kanyang ama sa P200k na tulong na inilaan sa kanila ni Raffy Tulfo

- Laking pasalamat ng pamilya sa pag-alalay sa kanila ni Tulfo dahil kung wala raw ang tulong pinansyal nito, hindi nila alam kung saan kukuha ng panggamot ng baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay ng update ang ama ni Baby Aveera, ang batang may stage 3 cancer na tinulungan ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na ang ama ni Aveera na si Khalid Basirul ay nanalo ng P100,000 mula sa isa pang programa ni Tulfo na 'Idol in Action.'

Read also

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Umapela pa noon si Khalid dahil sa hindi niya nasagot agad ang tawag ng programa gayung wala silang telebisyon at noo'y nasa trabaho siya.

Batang nakaligtas sa COVID-19, naging stage 4 naman ang cancer
Photo from Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nang makita ng staff ni Tulfo ang apela ni Khalid pati na rin ang kalagayan ng ama nitong may stage 3 cancer noon, sila na mismo ang gumawa ng paraan na pagbigyan ni Tulfo si Khalid sa kahilingan nito.

Hindi naman sila nabigo at dinoble pa ni Tulfo ang napanalunan ni Khalid at ginawa itong P200,000.

Nalaman kasi nila na nang bumiyahe na ang pamilya ni Baby Aveera patungo sa Maynila upang ipagamot ang kanyang cancer, tinamaan naman ito ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nito lamang Enero 20, nagbigay ng update ang pamilya ni Baby Aveera sa kanyang kalagayan. Ligtas na umano ito sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito na kumalat na raw sa kanyang baga.

Read also

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn

Sa kabila ng matinding pagsubok na ito, laking pasalamat pa rin ng mga magulang ni Aveera kay Tulfo dahil kung hindi raw dahil sa tulong nito, hindi nila alam kung saan kukuha ng perang panggastos nila sa pagpapagamot sa baby.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Isa rin sa mga natulungan ng programa ni Tulfo ay ang taho vendor na bitbit ang isang taong gulang na anak sa paglalako, binigyan naman niya ito ng food cart upang hindi na mahirapan sa pagdadala ng anak habang nagha-hanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica