Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

- Sinagot ni Sharon CUneta ang isang basher na nagsabing baka hindi siya napansin kung nagkataon na nakasabayan niya ang ilang mga sikat na aktres sa kasalukuyan

- Sinupalpal ni Shawie ang netizen na nagsabi nito sa kanya at nilinaw niyang marami nang iba pang artistang magaganda ang dumaan bago pa ang kasalukuyang mga sikat na aktres

- Dagdag niya pa, nananatili siyang nasa industriya pa rin at kumikita pa rin lahat ng kanyang ginagawa

- Sa kabila ng mga nangyari noong taong 2020 kagaya ng pandemya at pagkakasara ng ABS-CBN, si Sharon ang isa sa mga personalidad na tuloy-tuloy ang mga proyekto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang panghahamak ng isang basher sa kanya. Sinabi nito na kung nagkataong kasabayan niya ang ilan sa pinakasikat na artista ngayon, malamang ay hindi umano napansin ang Megastar.

Read also

Heart Evangelista, aminadong fan siya ni Jolina Magdangal

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

Katwiran ni Shawie, bago pa man ang pumasok sa showbiz ang mga binaggit nitong mga kasalukuyang artista, marami na ang dumaan na maganda. Gayunpaman, aniya dahil sa kanyang talento sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte ay nakapagpayaman na siya ng mga producers.

Eh di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at Iahat sila eh maganda na ako! Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Shawie, taliwas sa sinabi ng basher na hindi siya mapapansin, marami ang sumusuporta sa kanya kaya hanggang sa kasalukuyan ay patuloy siyang namamayagpag sa kanyang showbiz career.

At nandito pa rin ako! Alam mo, ang ganda, sampusampera. Ang di maipaliwanag ng at sa tao, ay yung tinatawag na X-Factor. Puede ba ako sumikat ng di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot.

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya
Images courtesy of Instagram: reallysharoncuenta
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa lamang si Sharon sa mga artistang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin at damdamin sa publiko sa pamamagitan ng social media. Nitong mga nakaraang araw ay naging emosyonal si Mega matapos niyang mapanood ang throwback na video ng duet nila ng anak na si KC Concepcion.

Ipinagluksa niya rin ang pagpanaw ng sikat na designer na si Rocky Gathercole na naging malapit sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel