Heart Evangelista, aminadong fan siya ni Jolina Magdangal

Heart Evangelista, aminadong fan siya ni Jolina Magdangal

- Hindi ipinagkaila ni Heart Evangelista na mahilig siya sa mga accessories kahit noong bata pa siya

- Ibinunyag niya rin na isa siyang fan ng aktres at TV host na si Jolina Magdangal na nakilala din bilang style icon noon

- Ipinakita ni Heart ang ilan sa kanyang mga paboritong mga koleksiyon ng mga alahas at accessories

- Gayunpaman, hindi na niya naipakita lahat dahil karamihan umano sa kanyang mga alahas ay nakatago sa bangko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ipinagkaila ni Heart Evangelista na isa siya sa humahanga sa mang-aawit at TV host na si Jolina Magdangal. Ito ay dahil sa hindi ito takot na ipakita ang kanyang style ng pananamit at mga accessories.

Matatandaang naging style icon si Jolina para sa mga batang babae noong dekada 80 kung saan nauso ang makukulay na hair clips na paru-paro.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Heart Evangelista, aminadong fan siya ni Jolina Magdangal
Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Hindi basta-basta ang mga koleksiyon ng bag ni Heart Evangelista. Ipinakita niya ang ilan sa mga pinakapaborito niyang bag na nakalagay sa kanyang walk-in closet.

Habang pinapakita niya isa-isa ang mga bag niya ay binahagi niya rin ang mga kwento sa likod ng mga ito kung paano niya nakuha o nabili o kung sino ang nagbigay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbahagi din si Heart ng mga tips kung paano maalagaan at mapanatiling maayos ng matagal ang mga bag na kagaya sa pag-aalaga niya sa mga koleksiyon niya.

Ibinahagi din ni Heart na nakatago sa isang ligtas na lugar ang kanyang mga alahas para na rin maiwasan ang mga di kanais-nais na pangyayari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasal si Heart Evangelista kay former Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel