Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

- Ikinuwento ni Judy Ann Santos ang ilan sa mga pinagdaanan niya bago pa siya maging si Mrs. Agoncillo

- Naibahagi niyang si Wowie de Guzman ang kanyang kauna-unahang naging boyfriend ngunit hindi naman umano ito seryosong relasyon at tumagal ng halos 3 taon

- Naikwento niya rin na dahil sa kanyang pagiging busy sa pagtatrabaho ay hindi niya naranasang makapunta sa isang prom

- Nang malaman ito ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo ay sinorpresa siya nito para maranasan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa YouTube channel ng sikat na doktorang si Dr Aivee Teo, naka-chikahan niya si Judy Ann Santos. Habang sumasailalim sa isang facial ay naitanong ni Dr. Aivee ang ilan sa mga katanungan tungkol sa buhay pag-ibig ni Judy Ann.

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas sa ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya
Judy Ann Santos, (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

Naibahagi ni Judy Ann na bilang isa sa kanyang palaging nakakasama noon sa mga proyekto, si Wowie de Guzman ang kanyang naging unang boyfriend.

Gayunpaman, aniya, parang na-develop na lang sila dahil sila ang laging magkasama noon ngunit parang hindi naman umano iyon seryososo.

Dahil naman sa kanyang pagtatrabaho ay hindi na naranasan ni Juday na makapag-prom. Nang malaman ito ni Ryan na boyfriend niya noong mga panahong iyon, minabuti niyang isorpresa ang aktres.

Inimbitihan nito ang mga kaibigan nila at nag-organize ng isang party kung saan sila ang prom king at queen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008. Sila ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Johanna Louis Agoncillo o mas kilala sa pangalang Yohan, Juan Luis Agoncillo o si Lucho at si Juana Luisa Agoncillo o Luna.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang nararanasan bilang isang hands-on na business woman. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa negosyo at pamilya, hindi nito nakakaligtaan ang kanyang tungkulin bilang anak sa kanyang Mommy Carol.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel