Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

- Isang masayahin at positibong Bea Alonzo ang bumungad sa mga subscribers ni Ethel Booba

- Ito ang kauna-unahang panayam kay Bea matapos isapubliko nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang relasyon

- Hindi naman inatrasan ni Bea ang mga katanungan ni Ethel maging tungkol sa kanyang personal na buhay

- Ibinahagi ng aktres ang tungkol sa kung paano siya nagsimula sa pag-aartista at kung gaano lang kasimple ang buhay nila noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bago pa man naganap ang panayam ni Ethel Booba kay Bea Alonzo, nasabi na ni Bea ang kanyang kagustuhang makasama si Ethel Booba sa paggawa ng YouTube video nang minsang makasama niya ang Beks Battalion na malapit din kay Ethel.

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Kaya naman, marami ang nag-abang at natuwa na natuloy ang collaboration ng dalawang artista na nakilala sa kani-kanilang husay sa kanilang larangan.

Ikinuwento ni Bea na noong nagsisimula pa lamang siya ay naranasan niyang maging extra sa mga shows at pelikula.

Ani Bea, noong hindi pa siya artista, naranasan nila yung walang pambayad sa tuition nila ng kapatid niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa din sa naitanong kay Bea ay kung sino sa kanyang mga naging leading men ang nanligaw sa kanya. Saglit na nag-isip si Bea at sinabing wala. Siguro daw ay hindi siya mahilig maglandi sa katrabaho.

Nilinaw din niyang, nakasama niya si Zanjoe Marudo na ex niya sa isang episode ng "Maalaala mo Kaya" ngunit ilang taon pa ang lumipas bago naging magkarelasyon sila.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel