Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

- Naibahagi ni Sharon Cuneta sa isang panayam kay Ogie Diaz kung ano ang kanyang naging aksiyon sa isang taong nagnakaw sa kanya

- Aniya, nauna na itong nakagawa ng kasalanan sa kanya ngunit pinili niyang patawarin ito

- Matapos niyang patawarin ay mas malaking halaga ang nanakaw sa kanya at nagtago na umano ito

- Sa kabila ng naranasan, tumutulong pa rin umano si Shawie lalo na sa mga taong alam niyang mabuti ang puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ni Sharon Cuneta sa isang panayam ni Ogie Diaz kung paano siya naloko ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan.

Ani Sharon madalas siyang mahiraman nang walang bayad at manakawan.

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagbabahagi niya, isang taong kanyang pinagkatiwalaan ang nagnakaw sa kanya. Pinatawad niya umano ito sa unang pagkakataon dahil naawa siya dahil may anak.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Hindi niya inasahang mas malaking pera pa pala ang nanakawin nito sa kanya. Kalahating milyon umano ang ninakaw sa kanya ayon na rin sa sinulat nitong confession.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matapos nito, nang lumabas ang warrant of arrest ay nagtago na umano ito. Sa kabila ng lahat, ipnagpasa-Diyos na laman ni Mega ang pagpaparusa sa taong gumawa ng kasalanan sa kanya.

Kahit ganito ang kanyang naranasan, tumutulong pa rin siya sa mga taong alam niyang karapat-dapat.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Isa lamang si Sharon sa mga artistang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin at damdamin sa publiko sa pamamagitan ng social media. Nitong mga nakaraang araw ay naging emosyonal si Mega matapos niyang mapanood ang throwback na video ng duet nila ng anak na si KC Concepcion.

Read also

Mister, nautakan ni misis sa panunuhol sa cellphone techinician

Ipinagluksa niya rin ang pagpanaw ng sikat na designer na si Rocky Gathercole na naging malapit sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel