Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang viral rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang viral rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite

- Binigyan na ng permanenteng trabaho ni Basel Manadil ang nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite

- Una na niyang nabigyan ito ng tulong pinansyal at sako-sakong cat food para sa alagang pusa

- Nang alukin ng trabaho, agad niya itong tinanggap lalo na at nahihirapan na siyang mag-apply dala ng kanyang edad

- Bukod pa rito, may starting bonus pa siya kaya naman hindi siya makapaniwala sa mga biyayang kanyang natatanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-viral ng rider na si Jeffrey Sioson na nagawang mag-bike ng tatlong oras mula Binondo hanggang Cavite para mag-deliver, dinagsa na siya ng tulong.

Kamakailan ay sinadya pa siya ng vlogger na si Basel Manadil upang mabigyan ng tulong pinansyal at sako-sakong cat food para sa mga alaga nitong pusa.

At dahil sa labis na humanga si Basel o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' kay Jeffrey, inalok pa niya ito ng trabaho sa kanyang mga negosyo.

Read also

Netizen, naalarma sa modus ng 'riding in tandem' na mabilis manguha ng CP

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang viral rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite
Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Nilinaw ni Basel na maari naman itong tanggihan ni Jeffrey kung sa palagay niya na mas gusto pa rin niya ang raket na pagde-deliver.

Subalit dahil sa nais na rin niya ng permanenteng trabaho at "sunog" na raw ang kanyang balat sa araw sa mga deliveries, agad niyang tinanggap ang trabaho na alok sa kanya ng napakabait na vlogger.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Binigyan na agad ni Basel ng uniporme si Jeffrey ng YOLO at dinala na rin niya ang bagong empleyado sa lugar kung saan ito magtatrabaho.

Subalit ang hindi inaasahan ni Jeffrey ay ang "starting bonus" na inilaan sa kanya ni Basel.

Talagang naging emosyonal na naman ang dating rider at halos hindi na naman tanggapin ang biyayang ibinibigay sa kanya.

Dinala na rin ni Basel si Jeffrey sa Yeoboseyo Korean Mart at na-welcome na rin siya ng mga makakatrabaho niya.

Read also

Basel Manadil, sinurpresa ng tulong ang viral rider na nag-deliver mula Binondo hanggang Cavite

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang pinakabago ngang natulungan ni Basel ay si Jeffrey na at ikinuwento pa nito kung bakit siya napapayag na mag-deliver ng laruan kahit na may kalayuan ang destinasyon.

Noong araw daw na iyon, aminado siyang wala na halos niyang kapera-pera nang tinanong siya ng kapitbahay kung maari siyang mag-deliver ng mga laruan.

Dahil may kabagalan umano siyang magbisikleta at dahil sa malayo ang kanyang destinasyon, inabot siya ng tatlong oras.

Read also

Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

Subalit nang makita naman ng kanyang customer na naka-bisikleta lamang siya, doon ito naantig sa kanya ay binigyan pa ng tip dahil sa tiyaga nitong mai-deliver ng maayos ang produkto.

Ang post ng customer na ito ay nag-viral kaya naman nakatanggap siya ng mga tulong mula sa mga netizens na nakakita ng ng kanyang kwento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica