Netizen, naalarma sa modus ng 'riding in tandem' na mabilis manguha ng CP

Netizen, naalarma sa modus ng 'riding in tandem' na mabilis manguha ng CP

- Viral ngayon ang video ng 'riding in tandem' na napakabilis na nakakuha ng cellphone sa lalaking naglalakad

- Makikita sa video kung paano hinintuan ng dalawang sakay sa motor ang isang lalaki na gumagamit ng cellphone habang naglalakad

- Ilang segundo, agad na ibinigay na lamang ng lalaki ang kanyang cellphone sa sakay ng motor na tila tinutukan siya ng di matukoy na patalim

- Naalarma ang netizens sa bilis ng pangyayari lalo na kahit na may video, hindi madaling mahanap ang suspek na naka-helmet at madalas na naka-face mask

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa video ang aktwal na pangunguha ng cellphone ng 'riding in tandem' sa may Brgy. Pembo sa Makati City.

Nalaman ng KAMI na ang sinasabing mga holdaper na ito ay umiikot din umano sa East Rembo, West Rembo at Guadalupe at maging sa Pateros.

Read also

Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

Sa video na ibinahagi ni Joel John Serenio, makikita ang isang lalaki na mag-isang naglalakad habang gamit ang kanyang cellphone.

Netizen, naalarma sa kung gaano kabilis manguha ng cellphone ang nasapul na 'riding in tandem'
Photo credit: Screengrab from Joel John Serenio
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi nagtagal, dalawang lulan ng motor ang huminto sa kanya at bumaba pa ang isa na tila tinutukan pa siya ng hindi mawaring armas o patalim.

Wala pa halos limang segundo at agad na ibinigay ng lalaki ang hawak niyang cellphone dala marahil ng matinding takot na baka saktan pa siya ng dalawa kung siya ay manlaban.

Samantala, ang 'riding in tandem' naman ay hindi kinakitaan ng pagmamadali na tila kalmado lang na sumakay ng motor at umalis.

Ang kaawa-awang biktima ay mapapansing naglakad na lamang palayo na animo'y walang nangyari.

Maging babala umano ito sa publiko lalo na iyong hindi maiwasang lumabas pa rin sa gabi.

Lalo na at kahit may mga CCTV pa sa mga lugar, hindi madaling matutukoy ang suspek dahil madalas na naka-mask ang mga tao o di kaya naman sa kaso ng 'riding in tandem' ay naka-helmet.

Read also

Bonggang prenup photoshoot ng magkasintahang nangangalakal, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga nag-viral kamakailan ay ang aktwal na umano'y pamamaslang ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang kapitbahay niyang sina Sonia at Frank Gregorio.

Sa huling update ng abogado ng mga Gregorio, naisumite na sa korte bilang ebidensya ang naturang video at tumestigo na rin ang mismong kumuha nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica