Mismong kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, nakapanayam ng RTIA

Mismong kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, nakapanayam ng RTIA

- Nakapanayam ng Raffy Tulfo in Action ang mismong kumuha ng video ng pamamaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio

- Idinetalye rin niya ang nakitang pangyayari mula nang sumugod ang pulis sa tahanan ng mga Gregorio

- Napatulala raw siya sa nasaksihan at talagang natigilan pansumandali subalit nakita niya ang reaksyon ng mag-ama at kung paano na umalis ang mga ito na parang walang nangyari

- Isa ang saksing ito sa sinasabing sasailalim sa pschological intervention lalo na at ito ay isang menor de edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak ng maiksing panayam sa Raffy Tulfo in Action ang mismong saksi na kumuha ng video ng karumaldumal na pagpaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.

Nalaman ng KAMI menor de edad pa ang nakuha ng video na ito na itinago nila sa pangalang "Apple."

Read also

Kumuha ng video sa pamamaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio, tetestigo na

Kwento ni Apple, naroon sila sa bahay ng mga Gregorio dahil binibisita nila ang isang kaanak na bagong opera lamang.

Mismong kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, nakapanayam ng RTIA
Raffy Tulfo Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

Pagdating nila, nagpapaputok na ng boga si Frank at bigla na lamang napasugod ang pulis.

Ayon kay Apple, sinuntok di umano agad ng pulis si Frank dahil sa naingayan ito sa pagpapaputok.

Katwiran ni Frank, nasa loob pa naman daw siya ng kanilang teritoryo kaya wala umano itong nakitang mali sa ginawa.

Doon lumabas na si Sonya at niyakap na ang kanyang anak na pilit na dinadampot ng pulis.

Bagaman at nakatutok ang video sa pangyayari, aminado si Apple na hindi niya ito natitingnan dahil iniintindi na rin niya ang iba pang mga bata na nagtatakot na rin sa nangyayari.

Ngunit nang marinig niya ang sinabi ng pulis na "Gusto niyo patayin ko kayo?" napaharap daw siya at nakita ang aktwal na pamamril.

"Sakto po pagharap ko, dun po niya binaril si Lola Son talagang kitang-kita ko po," ani Apple.

Read also

Kapatid ni Sonya Gregorio na may-ari ng lupang ipinagbili kay Jonel Nuezca, nagsalita na

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa takot, natulala pa umano siya na animo'y istatwa. Buti na lamang din at na-save niya umano ang video na siyang kumalat sa social media.

Tila nahimasmasan na lamang siya nang makitang papaalis ang pulis akay ang anak nito na parang walang nangyari.

"Akay niya po yung anak niya tapos yun po naglakad sila ng parang wala lang. as in naglakad lang po talaga."

Nabanggit din ni Apple na tila wala umanong reaksyon ang anak ng pulis na nakuha pa ring mag-video nang mabaril na ng ama ang mag-inang Gregorio.

"Nagvi-video pa nga po siya, ewan ko po kung naka-play yun or ano," ang salaysay ni Apple.

Isa si Apple sa sa sasailalim sa psychological intervention ayon sa DSWD dahil sa nasaksihan nila ang pangyayari.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Apple mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Read also

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disymebre 20 nang hapon nang maganap ang karumaldumal na pagpaslang sa mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Paniqui, Tarlac.

Nakunan ng video ang buong pangyayari at doon kitang-kita kung paanong walang awang binaril ng pulis na si Jonel Nuezca ang mag-ina na kanyang mga kapitbahay.

Isa si Raffy Tulfo sa nagpaabot ng tulong at suporta sa pamilya Gregorio at nangakong tututok sa kaso.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel