Bonggang prenup photoshoot ng magkasintahang nangangalakal, viral

Bonggang prenup photoshoot ng magkasintahang nangangalakal, viral

- Viral ang agaw eksenang prenup photoshoot ng magkasintahang pangangalakal ang ikinabubuhay

- Madalas umano silang makita ng stylist at vlogger na si Richard Strandz at ito ang nakaisip ng konsepto para na rin ibahagi ang nakaka-inspire na love story ng dalawa

- Sa tulong ng Rab4Love Studios, naisakatuparan ang napakagandang photoshoot na may pamagat na "Sa hirap at ginhawa"

- Isa rin sa pinaghahandaan ng grupo ang intimate wedding na kanilang handog para sa magkasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang viral prenup photoshoot na may pamagat na "Sa hirap at ginahawa."

Nalaman ng KAMI na ang grupo ng vlogger at stylist na si Richard Strandz ang nakaisip ng konseptong ito.

Sa isang vlog ni Strandz, naikwento niya na madalas umano niyang makita ang live-in partners na sina Rosalyn Ferrer and Rommel Basco.

Kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, humarap na sa korte
Bonggang prenup photoshoot ng magkasintahang nangangalakal, viral

Photo credit: Rab4Love Studios
Source: Facebook

Nakita umano niya ang pagsusumikap ng dalawa sa araw-araw na pangangalakal kaya naisipan niyang magbigay ng tulong.

Isa sa mga napag-alaman ni Strandz ay hindi pa pala kasal ang dalawa na nagsasama na sa loob ng 24 na taon at nabiyayaan na rin ng anim na mga anak.

At dahil "love month" ang Pebrero, naisip ng vlogger na isa sa mga tulong na ibibigay nila sa dalawa ay ang prenup photoshoot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Laking gulat na lamang din ng stylist na napapayag niya ang mga sponsors at kaibigan niya na tulungan siyang maisakatuparan ang photoshoot para kina Rosalyn at Rommel nang libre.

Sa tulong nina Rachelle and Benjamin Agoc, P/V team ng Rab4love Studios, Peaboh David ng Peaboh David Photography and Design, videographer na si Paul Cabrera ng Shutterscape studio, designer na si Rich Sabinian at ng coordinator na si Her Shey Mayrina, naging matagumpay ang plano ni Strandz sa napakagandang prenup photoshoot nina Rosalyn at Rommel.

Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

Susunod na umano nilang paghahandaan ay ang aktwal na intimate wedding na handog nila sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nag-viral na rin ang vlog ni Richard Strandz dahil sa isa pa niyang natulungan na si Dennis Pascual.

Si Dennis ang 'artistahing' nangangalakal na madalas ding mapadaan sa parlor ni Strandz. Noong nagkalakas loob siyang kausapin ito, tuloy-tuloy na ang pagtulong niya rito hanggang sa kinupkop na niya ito bilang assistant.

Kilala si Strandz sa kanyang mga make-up at transformation videos. Nito lamang Pebrero 19, umabot na sa 20,000 ang followers niya sa YouTube.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel