Kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, humarap na sa korte

Kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, humarap na sa korte

- Humarap na sa korte ang mismong kumuha ng video ng aktwal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio

- Siya ang tumatayong ikalawang witness na iprinesenta ng kampo ng mga Gregorio sa kaso laban kay Nuezca

- Kinakitaan umano ng katapangan ang 16-anyos na dalagita na apo ni Sonia at pamangkin naman ni Frank Gregorio

- Subalit hindi nito naiwasang maging emosyonal nang muling makita ang video na kinailangang ipalabas muli sa hearing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Iniharap na sa korte ang 16-anyos na si Alyssa Calosing, ang mismong kumuha ng video ng aktwal na pamamaslang sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio.

Ayon sa legal counsel ng pamilya Gregorio na si Atty. Freddie Villamor, si Calosing ang ikalawang testigo na iprinisenta ng kampo ng mga Gregorio sa kaso laban kay Jonel Nuezca, ang suspek sa pamamaril sa mag-ina.

Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong

Nalaman ng KAMI na si Alyssa ang apo ni Sonia at pamangkin naman ni Frank na siya mismong nakakuha ng video na nag-viral sa social media noong Disyembre ng nakaraang taon.

Kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, humarap na sa korte

Jonel Nuezca (Photo credit: Peach Prosa)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Pahayag ni Atty. Villamor sa GMA Super Radyo DZBB, kinakitaan umano ng katapangan si Calosing dahil sa umano'y nagsasabi ito ng pawang katotohanan.

“Very straightforward po ang pagsagot ng bata dahil palibhasa, totoo naman ‘yong sasabihin niya."

Subalit, hindi naman daw napigilan ng dalagita na maging emosyonal nang makita muli ang video ng pamamaslang sa dalawa niyang kaanak na kailangan ipresenta rin sa korte.

"‘Yun nga lang, it came to a point na noong pinalabas na ‘yung video, napaiyak ‘yung bata nang makita niya ulit ‘yung point doon sa video na binaril ni Nuezca ‘yung kaniyang lola at uncle,” dagdag pa ni Villamor.

Mister, nakilala ang misis dahil sa cellphone number na nakasulat sa ₱20

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa programang Raffy Tulfo in Action, unang nagbigay ng update si Atty. Villamor kaugnay sa kaso ng mga Gregorio laban sa dating pulis na si Jonel Nuezca.

Sinabi nitong aabot sa ₱70 million ang kabuuang danyos na mapapagbayaran ni Nuezca dahil sa pagkitil niya ng buhay ng mag-ina.

Nilinaw naman mismo ng asawa ni Sonia at ama ni Frank na si Florentino Gregorio na kahit pa mabayaran umano ni Nuezca ang danyos, sisiguraduhin daw niyang pagdudusahan pa rin nito ang kanyang nagawang pagkakasala upang makamit ang hustisya sa pagpatay nito sa kanyang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel