Florentino Gregorio kay Jonel Nuezca: "Gusto ko mapagdusahan niya 'yun"
- Nagbigay ng update si Florentino Gregorio, ang asawa ni Sonia at ama ni Frank Anthony na napaslang umano ng kapitbahay na si Jonel Nuezca
- Ayon kay Gregorio, bagaman at napag-usapan ang danyos, sisiguraduhin pa rin niyang pagdudusahan ni Nuezca ang nagawang pagkakasala
- Ninais din niya ang speedy trial kung maari upang mas mapabilis ang pagkamit ng hustisya ng kanyang mag-ina
- Sa Pebrero 20 ang susunod na hearing ng kaso at inaasahang personal nang haharap si Nuezca na kasalukuyang naka-quarantine
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso laban kay Jonel Nuezca, ang dating pulis na naka-baril umano sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Nalaman ng KAMI na nagbigay ng update ang asawa ni Sonia na si Florentino Gregorio tungkol sa mga naganap sa hearing noon pang Pebrero 4.
Ayon sa panayam ni Noli De Castro ng ABS-CBN News kay Florentino, napag-usapan umano sa nakaraang hearing ang danyos na pagbabayaran ni Nuezca.
Matatandaang aabot umano sa PHP70 million ang hinihinging danyos ng pamilya Gregorio ngunit hindi nangangahulugang makalulusot si Nuezca kung maibigay man niya ito.
Kung tutuusin, hindi pa sapat ang napakalaking halaga na ito dahil hindi lamang isa kundi dalawang buhay ang nawala sa pamilya Gregorio.
Paliwanag pa ng mister ng yumaong si Sonia, ang danyos na kanilang hinihingi ay upang magsilbing aral ito sa mga kapwa pulis ni Nuezca o sa kung sinuman na huwag nang tularan pa ang nagawang karumaldumal at walang-awang pamamaslang nito.
Naikwento rin ni Gregorio na sa Zoom video call lang nagpakita si Nuezca na kasalukuyan pa ring naka-quarantine kaya hindi nakapunta sa mismong hearing.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nang ipinaturo pa nga raw sa kanya si Nuezca, pinatanggal niya ang mask nito upang masiguro na si Nuezca nga ang nasa Zoom video at hindi kung sino lang na tao.
Hiling din ni Gregorio na sana'y "speedy trial" ang gawin sa kaso laban kay Nuezca upang mapabilis na makamit ng mag-ina niya ang hustisya.
Inaasahang sisipot na ng personal si Nuezca sa susunod na hearing sa Pebrero 20 kung saan isasalang na bilang saksi ang mismong kumuha ng video kung saan kitang-kita ang umano'y pamamaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Disyembre 20 noong nakaraang taon nang gumulantang sa social media ang video ng aktwal na pagpaslang ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa mga nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Sumiklab ang damdamin ng mga netizens na nakapanood sa naturang video hanggang sa nakarating na rin ito sa atensyon ng "hari ng public service" na si Raffy Tulfo.
Talagang tumutok si Tulfo sa kaso at siya pa umano ang nagbigay ng private lawyer sa pamilya Gregorio upang masiguro na may tutulong sa pamilya na makamit nila ang tamang hustisya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh