Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

- Humingi na ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang isang misis na umano'y nahihirapan nang makisama sa kanyang mister

- Wala raw itong trabaho sa sobrang pagiging "batugan" kaya siya lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya

- Bagaman at nasa iisang bubong, magkahiwalay na umano sila ng kwarto at sinabing nagsasama lamang para sa mga anak

- Matapos ang napagkasunduan sa barangay, nagdesisyon ang mister na suyuin muli ang misis upang tuluyan na silang magkaayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang misis na si Maricar Candelario at inirereklamo nito ang pagiging "batugan" umano ng kanyang mister.

Nalaman ng KAMI na wala umanong trabaho ang mister na si Reynaldo Candelario, at si Maricar ang mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamilya.

Daing din ni Maricar na hindi rin nito makatuwang ang mister sa mga gawaing bahay at siya pa raw umano ang nasasabihan nito kung pinili niyang magpahinga at di kumilos sa kanilang tahanan.

Valentine Rosales ng Dacera case, emosyonal sa dami ng birthday greetings na natanggap
Mister na inayawan sa pagiging "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Dahil dito, nadadalas ang kanilang pagtatalo at hindi pagkakasundo.

Bagaman at nasa iisang bubong pa rin ang dalawa, magkahiwalay naman daw sila ng kwarto.

Sinadya na ng staff ni Tulfo ang dalawa upang alamin ang kalagayan ng mga ito.

Kasalukuyang ipinagda-drive ng mister si Maricar sa kanilang negosyo ngunit hindi pa rin masasabi ng misis na maayos na ang kanilang pagsasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang tanungin pa ng staff ni Tulfo si Maricar kung mahal pa niya ang mister na si Reynaldo, sumagot itong "hindi na."

Sa kabila ng nabitawang salita na ito ng misis, handa naman daw ang mister na suyuin muli si Maricar.

Matapos nilang magkaharap sa barangay, sinabi nitong liligawan at susuyuin muli ang kanyang asawa.

Ayon naman kay Maricar, ang tanging hiling niya ay ang tupdin ng mister ang mga napagkasunduan nila sa barangay.

Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang bride na tinakasan ng kanyang groom bago pa man sila ikasal. Sa tulong ng RTIA, nakasuhan ang lalaki.

Gayundin ang isa namang groom na inakusahan ang kanyang bride na pinerahan lamang umano siya at hindi naman nagpakasal sa kanya.

Pinagkasundo na lamang sila ng programa ni Tulfo na pagbayaran na lamang ng bride ang mga pinababalik sa kanya ng dati niyang groom.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel