Ruffa Gutierrez handang makipag-ayos sa dating asawa na si Yilmaz Bektas

Ruffa Gutierrez handang makipag-ayos sa dating asawa na si Yilmaz Bektas

- Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez na nakatakda silang magkita ng dating asawa na si Yilmaz Bektas

- Nais daw nilang dalawa na pag-usapan ang kanilang co-parenting duties sa kanilang mga anak

- Sinabi ng aktres na ‘greatest love’ daw nilang dalawa ang isa’t-isa pero hindi ibig sabihin ay may ‘forever’ sila

- Balak daw ng dati niyang asawa na bumisita dito sa Pilipinas upang makita ang kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinahayag ni Ruffa Gutierrez na magkikita silang muli ng kanyang dating asawang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas para pag-usapan ang co-parenting duties nila sa dalawa nilang dalagita na sina Lorin Gabriella at Venice.

Ruffa Gutierrez handang makipag-ayos sa dating asawa na si Ylmaz Bektas

Ruffa Gutierrez (Photo credit: @iloveruffag)
Source: Instagram

Ika-15 ng Pebrero nang nagkaroon ng Zoom Press Conference ang Entertainment Press at doon ibinunyag ni Ruffa ang mga rason kung bakit gusto niya ulit makipag-ayos sa dating asawa.

Mag-asawang 77 taong nagsama, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

Sinabi ni Ruffa na bukod sa may dalawa silang anak ay malalim ang pinagsamahan nila ni Yilmaz sa loob ng pito hanggang siyam na taon.

Sinabi rin niya na gustong makasama ng dati niyang asawa ang kanilang mga anak kaya may plano itong pumunta ng Manila ngayong Hunyo. Pero kung hindi man ito matuloy dahil sa pandemya, gusto nitong ang mga anak nila mismo ang pumunta sa Turkey.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Idinagdag din niya na sinabi daw ng dating asawa sa kanya na siya ang greatest love nito.

“Ako raw ang pinaka-greatest love niya. I told you, mahirap akong kalimutan. Masarap kasi akong magmahal. Gusto niya to try to make things right for the kids,”

Sinagot naman ni Ruffa ang dating asawa na tuparin muna nito ang matagal niya nang pangako sa kanila simula noon pa na pupunta raw ito uli ng Pilipinas.

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Sinabi niya ring greatest love rin niya ang dating asawa pero hindi ibig sabihin ay siya na ang kanyang forever.

Hindi maiwasang maging emosyonal ni Ruffa sa interview habang pinag-uusapan ang dati niyang asawa.

Nung tinanong siya tungkol sa relasyon ng kanyang mga anak sa kanilang ama ay sumagot siya:

“Welcome sa kanila ang ama nila pag bisitahin sila nito.”

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Idinagdag niya rin na naging parehong ina at ama siya sa dalawa niyang dalagita simula nang maghiwalay sila. Hindi man siya bilyonaryo para mabigyan ng pinakamagandang edukasyon ang kanilang mga anak ngunit ipinakita niya kay Yilmaz na kaya niyang buhayin at palakihing mag-isa ang mga ito.

Si Ruffa at Yilmaz ay ikinasal noong taong 2003 at naghiwalay sila noong 2007. Annulled na ang kanyang kasal sa dating asawa at bukas pa rin siya sa ideyang ikasal muli ngunit hindi na raw siya kasing sabik kagaya ng dati. Sa ngayon, wala muna siyang planong magpakasal at hindi raw din atat para sa bagay na ito.

China Roces, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit piniling itago ang pagkakaroon ng anak

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ruffa Gutierrez ay isa sa mga showbiz royalties sa Pilipinas. Siya ay anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, at kapatid niya sina Richard at Raymond Gutierrez.

Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa hiwalayan nila ng French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal na naging karelasyon niya ng anim na taon.

Naging laman din ng mga balita si Ruffa dahil siya ang pinakaunang nag-upload ng mga larawan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na halatang nagkakamabutihan na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel