Mag-asawang 77 taong nagsama, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

Mag-asawang 77 taong nagsama, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

- Magkasunod na pumanaw ang mag-asawang nagkaroon ng COVID-19 sa Manchester, United Kingdom

- Nagkahiwalay pa umano ang dalawa dahil sa magkaiba ang pinagdalhang ospital sa kanila

- Subalit nang mapansing tila hindi na magtatagal ang mga ito dala ng kanilang edad, pinagsama muli sila sa iisang ospital

- 14 taong gulang pa lamang sila nang sila ay magsama at matapos ang 77 taon na taon, halos sabay pa silang nalagutan ng hininga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa marami ang kwento ng mag-asawang sina Margaret at Derek Firth na halos sabay na pumanaw dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na high school sweethearts ang dalawa, kaya naman mula noong edad 14 pa lang, magkasama na ang dalawa.

Ayon sa Inquirer, 77 na taong nagsama ang dalawa na parehong edad 91 nang pumanaw.

Nag-viral na delivery boy, ipina-Tulfo ang pulis na umano'y nag-paddle sa kanya
Mag-asawang 77 taong nagsama, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

Sina Margaret at Derek Firth (Photo from Barbara Smith)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagkahiwalay lang ang mag-asawa nang magkaiba ang pinagdalhan sa kanilang ospital.

Sa ulat ng Manchester Evening News, dinala si Derek mula Wythenshawe Hospital patungo sa Trafford General Hospital kung saan naka-admit ang misis.

Ito ay matapos mapansin ng mga doktor ni Margaret na maaring hindi na ito magtagal.

Tulad ng mag-asawa sa Texas na naiulat ng CNN noong 2020, nagkatabi sina Derek at margaret habang nakikipaglaban sa COVID-19.

Kwento pa ng anak nilang si Barbara Smith, napansin nila na tila sumigla ang noo'y nanghihina nang ina nang maitabi muli sa kanya ang mister.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nito lamang Enero 1, nauna pa umanong mamatay ang mister subalit tatlong araw lamang ang lumipas ay yumao na rin ang misis.

Ikalawa sa pinakamatandang nabubuhay sa mundo, gumaling sa COVID-19

Malungkot man sa pagpanaw ng mag-asawa, masaya naman ang kanilang pamilya na sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nagkasama ang dalawa na simbolo ng tunay na pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, isang couple naman sa Amerika ang pumanaw sa COVID-19 noong Disyembre ng nakaraang taon matapos lamang na magpagupit.

Nanlumo ang pamilya ng mga ito dahil ilang buwang nag-ingat ang mag-asawa at hindi nila akalain na ang pagpapagupit lang ng buhok ang magiging dahilan ng sabay na pagpanaw ng mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel