Nag-viral na delivery boy, ipina-Tulfo ang pulis na umano'y nag-paddle sa kanya

Nag-viral na delivery boy, ipina-Tulfo ang pulis na umano'y nag-paddle sa kanya

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na delivery boy na na-paddle ng pulis sa kanila mismong istasyon

- Sinita raw ang delivery boy dahil wala itong suot na face mask nang magpunta sa barangay

- Pinagmumulta raw ito ng ₱1,000 na bumaba pa sa ₱500 at nang malamang wala siyang pambayad, saka umano ito nahataw ng dalawang beses

- Imbis na tatlo, naging dalawa na lamang dahil sa pagpigil umano ng isang babaeng pulis dahil nakita nitong nasasaktan na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang nag-viral na si Reglo Makuto matapos umano itong ma-paddle ng pulis dahil sa hindi niya pagsusuot ng face mask.

Nalaman ng KAMI na napag-utusan lamang ang lalaki na magdala ng SAP form sa kanilang barangay.

At dahil sa wala siyang suot na face mask, sinita siya ng pulis na si Corporal Nelson Miranda.

Read also

OFW sa viral video na nagmamakaawang makaalis sa amo, tinulungan na ni Tulfo

Nag-viral na delivery boy, ipina-Tulfo ang pulis na umano'y nag-paddle sa kanya
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Pinagmumulta raw siya ng halagang ₱1,000 at bumaba pa umano ng ₱500. Subalit ng wala siyang maibayad, dinala siya sa station 5 kung saan siya hinataw ng paddle.

Bilang paalala, tinanong din ni Tulfo kung bakit nga naman walang suot na face mask ang lalaki gayung health protocol iyon sa buong bansa.

Gayunpaman, mali pa rin umano ang naging kaparusahan sa lalaki na imbis na pagsabihan o bigyang babala muna ay hinataw na agad na talagang lumatay sa hita nito.

Kwento pa ni Makuto, pinapili siya ng numero ng pulis kung lima o tatlo. Tatlo ang pinili niya at iyon pa ang bilang ng palong ilalapat sa kanya ng pulis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit naging dalawang hataw na lamang ito gayung isang babaeng pulis ang tila naawa at napansing nasasaktan na siya kaya sinabing dalawa na lamang.

Read also

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Bukod sa corporal, mananagot din umano ayon kay Tulfo ang apat pang pulis na kasama nito na tila nanood lang sa pag-paddle kay Makuto.

Agad na ipasusundo ni P/Maj. Kenneth Albotra, station commander ng Carbon Cebu ang biktima upang magbigay pahayag sa nangyari at agad na mabigyang aksyon ito sa tulong pa rin ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga natulungan ni Tulfo kamakailan ay ang nasa viral video kung saan kitang-kita umano ang pang-aangas ng ex-policeman sa kapitbahay nito.

Read also

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na

Nagbigay din ng update ang programa ni Tulfo ukol sa pag-usad ng kaso ng dating pulis na si Jonel Nuezca na suspek sa pamamaril sa dalawa niyang kapitbahay na sina Sonia at Frank Gregorio.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica