OFW sa viral video na nagmamakaawang makaalis sa amo, tinulungan na ni Tulfo

OFW sa viral video na nagmamakaawang makaalis sa amo, tinulungan na ni Tulfo

- Natulungan na ng programa ni Raffy Tulfo ang OFW sa viral video na umiiyak at nais nang makaalis sa pagmamalupit ng amo niyang doktor

- Nagulat umano ang OFW dahil sa dalawang bahay ang kanyang pinagsisilbihan na hindi naman nararapat

- Bukod pa rito, nakaranas pa umano ito ng pangmo-molesitya ng kanyang among doktor na pinagkatiwalaan niya

- Agad na inaksyunan ito ni Tulfo sa tulong na rin ng Overseas Workers Welfare Administration

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Crisel Villanueva upang maihingi ng tulong na maialis ang kanyang ina sa amo nitong doktor.

Nalaman ng KAMI na si Crisel na nasa Kuwait ang nasa viral video kung saan humihingi ito ng tulong dahil hindi na nito matagalan ang pagmamalupit na dinaranas niya sa kanyang amo.

Ayon kay Crisel, dalawang bahay umano ang pinagsisilbihan ng kanyang ina na hindi naman daw nararapat at wala sa kasunduan.

Read also

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

OFW sa viral video na nagmamakaawang makaalis sa amo, tinulungan na ni Tulfo
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Bukod pa rito, nakaranas umano ng pangmomolestiya ang OFW na nagtiwala sa amo niyang isang doktor.

Habang tumatagal ay hindi na masikmura ng OFW ang kanyang dinaranas kaya naisipan nitong makipag-ugnayan sa agency na nagdala umano sa kanya sa Kuwait.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasamaang palad, hindi ito makausap at idinadahilang "busy" daw lagi ang mga ito.

Kaya naman minabuti ng kanyang anak na ipa-Tulfo na ang kalagayan ng ina upang mas mapadali ang pag-aksyon dito.

Hindi naman nabigo si Crisel dahil agad na nakausap ni Tulfo ang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mas mapadali ang pagsagip sa ina ni Crisel sa Kuwait.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Misis, inaalagaan pa rin ang asawa na may leukemia kahit hiwalay na sila

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Malalapit sa puso ni Tulfo ang mga OFW kaya naman agad nitong inaaksyunan ang mga sumbong ng mga kababayan nating nakararanas ng pagmamalupit sa ibang bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica