Mag-asawang ilang buwang nag-ingat sa COVID-19, pumanaw matapos lamang magpagupit

Mag-asawang ilang buwang nag-ingat sa COVID-19, pumanaw matapos lamang magpagupit

- Pumanaw ang mag-asawang senior citizen matapos na umano'y magpagupit ng buhok sa isang salon ng anak

- Sa kabila ng hindi paglabas ng mag-asawa at labis na pag-iingat, tinamaan pa rin ng COVID-19 ang dalawa dahil lamang sa pagbisita sa anak at pagpapa-ayos na rin ng kanilang buhok

- Negatibo naman ang resulta ng anak na naggupit sa mga magulang nito, hindi na rin sila nagyakap o anuman bilang pag-iingat subalit agad na kinakitaan ng sintomas ang mag-asawa

- Pumanaw ang mag-asawa na mayroon lamang sampung araw na pagitan

- Magsilbing aral daw ang pangyayaring ito sa publiko na kahit na anong pag-iingat ay mabilis pa ring lumaganap ang bagsik ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang buhay din ang mag-asawang Carol at Mike Bruno mula Chicago, USA sa kabila ng ilang buwang hindi paglabas bilang pag-iingat sa COVID-19.

Read also

Video ng madamdaming libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Subalit nalaman ng KAMI na dahil lamang sa isang pagbisita sa anak na mayroong salon, mabilis na tinamaan ng mag-asawa ng virus.

Ayon sa ulat ng CNN, bumisita ang mag-asawa sa anak nilang si Joseph nitong huling linggo ng Nobyembre.

Mag-asawang ilang buwang nag-ingat sa COVID-19, pumanaw matapos lamang magpa-gupit
Photo from PxHere
Source: UGC

Kasama ni Joseph sa apartment ang kapatid nitong nagtatrabaho sa salon na magsasagawa ng haircut sa kanilang mga magulang.

Sa ulat ng New York Post, negatibo ang resulta ng COVID test na isinagawa sa anak nina Carol at Mike na naggupit ng kanilang buhok. Kaya naman kampante sila na ligtas pa rin umano sila sa virus.

Kwento pa ni Joseph, tumagal lamang ng 40-minuto ang kanyang mga magulang sa kanilang lugar. Hindi na rin muna sila naglapit tulad ng pagyakap bilang pag-iingat. Nakasuot pa umano sila ng masks habang naroon ang kanilang mga magulang.

Subalit isang araw matapos ang pagbisita, kinakitaan na ng sintomas si Joseph at ang kanyang ina.

Read also

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

Nailabas pa ng ospital ang ina subalit dalawang araw lamang, ibinalik ito at nalagyan pa ng ventilator.

Mag-asawang ilang buwang nag-ingat sa COVID-19, pumanaw matapos lamang magpa-gupit
Mike and Carol Bruno Photo from Joseph Bruno
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa Business Insider, sumunod agad na nagkaroon ng virus ang asawa ni Carol na si Mike.

Nang malagyan din ng ventilator ang mister, pumanaw naman si Carol. Dalawang araw bago ang pasko ay pumanaw na rin si Mike.

Siyam na araw lamang ang kanilang pagitan nang bawian na sila ng buhay sa tindi ng virus.

Dalawa na sila ngayon sa nasa 337,000 na mga pumanaw sa COVID-19 sa Amerika.

Ayon pa kay Joseph, magsilbing aral ito sa publiko na ibayong pag-iingat pa rin ang nararapat lalo na at hindi pa rin tuluyan pa rin tayong dumaranas ng pandemya dala ng coronavirus 2019.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pulis sa viral video, dati nang may patong-patong na kaso ayon sa Central Luzon police

Samantala, isang 82-anyos na mayroong COVID-19 sa Amerika ang napaslang ng kanyang roommate na mayroon ding virus. Ang dahilan, dahil nairita raw ang 37-anyos na roommate dahil sa nagdadasal ang matanda.

Isa namang frontliner sa USA ang tinamaan pa rin umano ng COVID-19 matapos na makatanggap ng COVID vaccine. Isa pa naman umano ang nurse sa mga unang nabigyan ng bakuna na pinaniniwalaang pangontra sa nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica