82-anyos na COVID-19 patient, napaslang ng roommate dahil sa pagdarasal

82-anyos na COVID-19 patient, napaslang ng roommate dahil sa pagdarasal

- Napaslang ng kapwa niya COVID-19 patient ang isang 82-anyos na lalaki isang ospital sa Southern California

- Sinasabing ang dahilan ng pamamaslang ay ang pagdarasal ng biktima na isa raw katoliko

- Gamit ang oxygen tank, nagawa umanong paghahampasin ng suspek ang kaawa-awang biktima

- Tumagal pa umano ng isang araw ang biktima na kinabukasan ay pumanaw na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 82-anyos na lalaki na tinamaan ng COVID-19 ang pinaslang ng kanyang roommate na mayroon ding virus sa loob mismo ng kanilang kwarto sa Southern California hospital.

Nalaman ng KAMI na ang sinasabing dahilan ng pananakit na nauwi sa kamatayan ng biktima ay ang pagdarasal umano ng biktima.

Ayon sa Inquirer, nairita ang 37-anyos na suspek na si Jesse Martinez sa kanyang roommate na isang katoliko nang bigla itong magdasal.

Read also

Xander Ford, nakalaya matapos makapagpiyansa ng P18,000 ng kanyang talent agency

82-anyos na COVID-19 patient, napaslang ng roommate dahil sa pagdarasal
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Base sa ulat ng Washington Post, Disyembre 17 nang mangyari ang pananakit sa loob mismo ng hospital room ng dalawa. Gamit ang oxygen tank, nagawang paghahampasin ni Martines ang di na pinangalanan na biktima.

Tumagal pa ng isang araw ang biktima sa Antelope Valley Hospital sa Lancaster subalit pumanaw na rin ito makalipas ang isang araw ayon sa BBC News.

Mahaharap sa kasong murder, elder abuse at hate crime enhancement si Martinez.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Pilipinas, isa sa maiinit na kaso ng pamamaslang ngayon ang nagawa ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio.

Nakunan umano ng video ang aktwal na pamamaslang ng pulis sa kapitbahay niyang nagpaputok ng boga na siyang ikinairita nito.

Read also

"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina

Kusang sumuko na ang suspek na ngayo'y nahaharap sa kasong double murder.

Sa pinakahuling update sa kasong ito, pumayag na ang mga magulang at tagapag-alaga ng dalawang saksi na siyang nakakuha umano ng video sa karumaldumal na krimen na tumestigo ang mga ito kapalit ng kanilang seguridad.

Nai-turnover na rin sa mga awtoridad ang mismong cellphone na ginamit sa pagkuha ng video na sinasabing mabigat na ebidensya sa isinampang kaso laban sa pulis.

Buong bansa ay masasabing nakatutok sa kasong ito lalo na nang mapag-alamang nasangkot sa maraming kaso ang pulis at lahat nang ito ay na-dismiss lamang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel