Ikalawa sa pinakamatandang nabubuhay sa mundo, gumaling sa COVID-19
- Marami ang namangha sa katatagan ng 117 taong gulang na madre sa France matapos nitong makaligtas sa COVID-19
- Siya ang itinuturing na ikalawa sa pinakamatandang nabubuhay sa buong mundo
- Ngayong Pebrero 11 ay kaarawan ng madre na ang edad ay 117 taong gulang na
- 81 sa nursing home na kinaroroonan ng madre ang tinamaan ng virus at 11 pa umano ang pumanaw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Napakagandang regalo ng buhay ang muling natanggap ng madre sa France na si Sister André nang siya ay makaligtas sa COVID-19.
Nalaman ng KAMI na si Sister André ang ikalawa sa pinakamatandang nabubuhay sa mundo sa edad na 117.
Ngayong Pebrero 11, ipinagdiriwang ng madre ang kanyang ika-117 na kaarawan kaya naman marami ang namangha na sa kabila ng kanyang edad ay nakaligtas siya sa nakamamatay na virus.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa panayam sa madre na ibinahagi ng NBC News, nasabi nitong hindi raw niya alam na tinamaan na siya ng virus.
Tanging naramdaman lamang niya noon ay labis na pagkapagod at subalit nanatili pa rin itong asymptomatic.
Ayon pa mismo sa madre, hindi na raw siya natatakot sa COVID-19 gayung hindi siya raw siya natatakot na mamatay. Bilin pa ni Sister André, ibigay na lamang ang vaccine na nakalaan sa kanya sa ibang mas nangangailangan nito.
Nito lamang Enero, 81 sa 88 na mga tao sa nursing home na tinutuluyan ni Sister André ang nagkaroon ng COVID-19. 11 sa mga ito ay pumanaw subalit isa ang madre sa mapalad na nakaligtas dito.
Kamakailan, nagsimula nang mamigay ng COVID-19 vaccine ang France sa mga health workers nito. Tinatayang nasa 2.2 million na ang nabakunahan sa kanila o 3% ng kanilang populasyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa ang mga matatanda sa sinasabing high risk sa pagkakaroon ng COVID-19 dahil sa kanilang edad sa iba nilang mga iniindang karamdaman. Kaya naman marami ang humanga sa katatagan ni Sister André na nalampasan ito.
Ang grupo ng mga senior citizens ang sinasabing isa sa mga unang mabibigyan ng vaccine bilang sila raw umano ang agad na nangangailangan nito kasunod ng mga health workers.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh