Virtual hearing, nabulabog dahil sa abogadong di namalayang naka-cat filter siya

Virtual hearing, nabulabog dahil sa abogadong di namalayang naka-cat filter siya

- Kinagiliwan online ang maiksing video clip kung saan nabulabog ang isang virtual hearing dahil sa cat filter ng isa sa mga abogado

- Hindi raw namalayan ng abogadong ito na naka-cat filter siya kung hindi pa ito sinita ng judge

- Ayon sa abogado, ginamit umano ng kanyang anak ang computer na gamit niya sa naturang virtual hearing

- Medyo natagalan pa bago natanggal ang cat filter ng abogado na inalalayan na lamang ng judge kung paano matatanggal ang filter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Good vibes ang hatid ng short video na ibinahagi ni Judge Roy Ferguson kung saan makikita ang kanilang virtual meeting na ang isa ay naka-cat filter.

Nalaman ng KAMI na ang dumalo sa meeting na naka-cat filter ay si Attorney Rod Ponton na walang kamalay-malay na mukha na pala siyang kuting sa harap ng kanyang mga ka-pulong.

Read also

Beauty Queens na walang make-up sa Negros, hinangaan ng mga netizens

Nanlaki ang mga mata ng kanyang mga kasama nang makita ang cat filter ng abogado kaya naman sinita na ito ni Judge Ferguson.

Virtual hearing, nabulabog dahil sa abogadong di namalayang naka-cat filter siya
Photo from Judge Roy Ferguson
Source: UGC

Ayon kay Atty. Ponton, ginamit umano ng kanyang anak ang computer bago siya sumalang sa virtual meeting.

Subalit ang problema, hindi niya alam kung paano na ito matanggal.

Maging ang assistant ng abogado ay hindi rin malaman kung paano matatanggal ang filter upang maayos na maipagpatuloy ang hearing.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mismong si Judge Ferguson na ang umalalay kay Atty. Ponton hanggang sa natanggal na nito ang cat filter.

"I'm here live, I'm not a cat!" ang nasabi ng abogado na mapapansin na ang pagkataranta sa kanyang boses.

Gayunpaman, maayos ang naging daloy ng kanilang virtual hearing ayon kay Judge Ferguson sa kabila ng nakatutuwang pagsisimula nito.

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi rin ng GMA News:

Read also

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang isang seryosong meeting ay nauwi sa katatawanan dahil sa mga filter na maaring magamit online.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang isang Canadian police ang biglaang nagkaroon din ng cat filter habang naka-livestream siya sa tungkol sa seryosong kaso sa kanilang bansa.

Taong 2019 naman nang mag-viral ang video ng isang Pakistan minister na nagkaroon din ng cat filter habang sila ay naka-livestream.

Sa panahon ngayon kung saan madalas na ang mga online meeting at livestream, magsilbing paalala ang mga pangyayaring ito na mag-ingat at maging handa bago humarap sa mga pagpupulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica